PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jao Mapa reveals past relationship with Rosanna Roces

Jao Mapa also opens up about his past private video scandal.
by Jojo Gabinete
Published 12 hours ago
rosanna roces jao mapa relationship
Jao Mapa opens about his past relationship with Rosanna Roces, revealing that the two were romantically involved around the time they worked together on the 1997 sexy drama Matrikula. Jao later admitted that he regrets doing Matrikula, saying he was still young and inexperienced at the time.
PHOTO/S: Kay Susan Tayo YouTube / File

Isa sa mga naging rebelasyon ni Jao Mapa sa panayam sa kanya ni Susan Enriquez para sa programa nitong Kay Susan Tayo! sa YouTube ang naging relasyon niya kay Rosanna Roces noong 1997.

“Who noon ang mga nakarelasyon mo sa showbiz ang tingin mo na TOTGA [The One That Got Away] mo? May naging girlfriend ka ba sa showbiz?” tanong ni Susan.

Nagulat si Susan sa sagot ni Jao, lalo na nang sabihin ng aktor na 18 years old siya noon.

Dahil dito, agad niyang naitanong: “May-December affair?”

“I guess,” natawang sagot ni Jao.

Gayunman, kailangang ituwid ang pahayag na 18 years old si Jao nang magkaroon sila ng relasyon ni Rosanna.

Dalawampu't isang taong gulang na si Jao nang magsama sila sa Matrikula, ang pelikula ng Premiere Entertainment Productions na ipinalabas sa mga sinehan noong Agosto 13, 1997.

Base sa isang official document, isinilang si Rosanna noong Mayo 24, 1972, habang Pebrero 17, 1976 naman ang petsa ng kapanganakan ni Jao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Apat na taon lamang ang agwat ng kanilang edad, kaya malabo ring ituring na May-December affair ang naging relasyon nila.

Dalawampu't siyam na taon na ang nakalilipas mula nang mangyari ang mga ito, kaya posible ring hindi na gaanong eksakto sa alaala ni Jao ang ilang detalye ng kanilang nakaraan.

“It was nice working with her,” sabi ni Jao tungkol kay Rosanna.

Gayunman, aminado ang aktor na pinagsisisihan niya ang paggawa ng sexy drama na Matrikula, dahil bata pa raw siya noon at hindi pa niya alam kung paano gawin ang mga ganitong klaseng pelikula.

“Ako, bata pa ako noon, hindi ko alam kung paano gumawa ng mga ganitong pelikula. Siyempre, bago sa akin. Nagsisisi na nga ako kung bakit ko ginawa ‘yung pelikula.”

Sa kabila ng kasikatan ni Rosanna bilang aktres noong 1997, hindi naging maganda ang naging resulta sa takilya ng Matrikula.

Naniniwala si Rosanna na maaaring may kinalaman dito ang poster ng pelikula na nagpapakita sa kanya na tinatapakan si Jao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na nasundan ng isa pang pelikula ang tambalan nina Jao at Rosanna.

matrikula

Read: Ai-Ai delas Alas reacts to ex-husband Gerald Sibayan's remarriage

ROSANNA ROCES ALMOST GAVE UP SHOWBIZ FOR JAO MAPA

Hindi lingid sa kaalaman ng marami, lalo na ang mga taga-showbiz, na nagsasama pa noon si Rosanna at ang dati nitong asawa na si Tito Molina nang magkaroon ng relasyon ang aktres at si Jao.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Higit pa rito, seryoso umano ang naging relasyon nina Rosanna at Jao at hindi lamang isang simpleng showbiz romance.

Noong 1997, isa si Rosanna sa pinakasikat at pinakakontrobersiyal na aktres sa bansa.

Ngunit muntik na umano niyang talikuran ang kanyang showbiz career at hiwalayan si Tito dahil sa matinding pagmamahal kay Jao.

Nagbago ang isip ni Rosanna matapos siyang masinsinang kausapin ng isang kaibigan.

Ipinaalala sa kanyang malaki at marami ang maaaring mawala kung puso lamang ang paiiralin niya sa kanyang desisyon.

Naganap ang kanilang pag-uusap noong Hulyo 21, 1997 sa Blue Bacon and Green Eggs, isang restaurant sa Lantana Street, Cubao, Quezon City, na matagal nang nagsara.

Magulo ang isip ni Rosanna noong mga panahong iyon dahil may problema sila ni Tito.

Nagkaroon ng lamat ang kanilang relasyon nang malaman niyang kasal si Tito sa ibang babae at mayroon itong mga anak.

Dahil dito, hindi naging legal ang pagpapakasal nila na idinaos noong Enero 16, 1994 sa Bahay-Bahayan Restaurant sa Barrio Mayamot, Antipolo, Rizal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kapatid na pastor ni Rosanna ang nagkasal sa kanila ni Tito.

Kabilang naman sina Noli de Castro, Azenith Briones, at Cristy Fermin sa mga tumayo bilang mga ninong at ninang.

Hindi nagtagal ang relasyon nina Jao at Rosanna dahil pinili ng aktres ang kanyang career at pamilya.

Read: The Bachelorette's Ronn Perez seeks NBI help over mother’s death

JAO MAPA ON HIS PRIVATE VIDEO SCANDAL

Bukod sa kanyang naging relasyon kay Rosanna, naging kapansin-pansin din ang pagiging prangka ni Jao sa panayam ni Susan, kabilang ang pag-amin niya tungkol sa pribadong video na kumalat online ilang taon na ang nakararaan.

Posibleng may kinalaman ang kanyang pagiging 50 years old ngayon sa pagiging mas bukas niya sa mga kontrobersiya at karanasan sa kanyang nakaraan.

“Long time ago,” pag-amin ni Jao tungkol sa kanyang pribadong video na kumalat ilang taon na ang nakararaan.

“I felt so bad. I wanted to kill myself at that time. Nakakahiya siyempre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It taught me [a lesson]. Kailangan yung mga nagpi-phishing.

"So, kapag may mga nakikita akong ganoon, tina-turn down ko na. Yung accounts na yon, iisa lang ang mga kaibigan.

“Minsan wala tapos yun lang ang pictures nila na paseksi.

"And at that time, I wasn’t really yet mature enough that I would say, for who I am right now, so childish. Childish lang yung mga nangyaring yon.

“I just got over it already. I just keep on going with life.

"I mean, if something like that happens to you, don’t think it too personally. Kapit ka na lang sa Panginoon.

"Ganoon yun, e. Keep on praying. Gagabayan ka naman, e,” sabi ni Jao.

Sa kanyang pagtalakay sa kontrobersiya, hindi na binanggit ni Jao na may asawa at mga anak na siya nang kumalat ang kanyang pribadong video.

Read: Tinglayan reminds tourists to respect Apo Whang-od, Kalinga batok

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jao Mapa opens about his past relationship with Rosanna Roces, revealing that the two were romantically involved around the time they worked together on the 1997 sexy drama Matrikula. Jao later admitted that he regrets doing Matrikula, saying he was still young and inexperienced at the time.
PHOTO/S: Kay Susan Tayo YouTube / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results