PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Did Jason take swipe at doctors over Romualdez's hospital stay?

Martin has "major depression with anxiety" but does need to stay in the hospital.
by Jojo Gabinete
Published 7 hours ago
martin romualdez jason abalos
Jason Abalos (inset) has a pointed message for doctors amid Martin Romualdez’s controversial hospital stay. Without naming anyone, the actor and Nueva Ecija provincial board member questioned doctors who allegedly “invent” illnesses for someone facing a plunder case involving billions of pesos.
PHOTO/S: Joseph Morong / Facebook

Walang binanggit na pangalan ang aktor at Nueva Ecija provincial board member na si Jason Abalos, pero pinaniwalaang may kaugnayan kay dating House Speaker at Martin Romualdez ang kanyang Facebook post ngayong Lunes ng gabi, Setyembre 14, 2026.

Nakasaad dito: “Don sa mga doctor na nang iimbento ng sakit para sa may plunder case, ikina proud kaya ng pamilya niyo yan?

“Bilyong piso ang pinag uusapang kaso niyan, nakakahiya naman don sa nakulong na nagnakaw ng sardinas para napakain ang pamilya.”

jason abalos post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Martin Romualdez’s unusual hospital mugshot revealed

PGH: no need for hospitalization

Kasalukuyang nakaratay sa Philippine General Hospital (PGH) si Romualdez.

Pero posibleng dalhin na siya sa Male Dormitory ng Bureau of Jail Management and Penelogy (BJMP) sa Payatas, Quezon City, bago maghatinggabi ngayong Lunes, ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla.

Maayos na raw ang kalagayan ni Romualdez.

Ito ang kinumpirma ni PGH director Dr. Gerardo Legaspi kaya ipinag-utos ng Sandiganbayan na ikulong na ang presdiential cousin sa Male Dormitory ng New Quezon City Jail.

Humarap si Dr. Legaspi sa Third Division ng Sandiganbayan nitong Lunes, at sinabi niyang puwede nang makalabas ng ospital si Romualdez.

Sinampahan ang dating House Speaker ng kasong plunder, isang non-bailable na kaso, dahil sa kanyang pagkakasangkot sa anomalya sa flood control projects na nagkakahalaga ng PHP7.4 billion.

Sa panayam ng mga miyembro ng media kay Dr. Legaspi, sinabi nitong "major depression with anxiety" ang kanilang diagnosis tungkol sa nararanasan ni Romualdez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi raw nito kailangang manatili sa ospital tulad ng hinihiling ng pinatalsik na mambabatas.

Saad niya: “Bawat isa sa mga problemang ito, yung mga eksperto natin, sinabi nila totoong may problema na tuluy-tuloy, pero hindi siya mangangailangan na gamutin sa ospital.

"Pero hindi inaalis na merong mga medikal na kundisyon na kailangang gamutin pareho.

“Meron kaming mga kundisyon na ipinakiusap sa korte para masiguro ang kanyang kaligtasan sa kalusugan na maibigay sa kanya."

May sagot din si Dr. Legaspi sa tanong tungkol sa ibang resulta ng pagsusuri ng mga doktor sa Cardinal Santos Medical Center sa mga karamdaman ni Romualdez, na unang dinala sa naturang pagamutan bago inilipat sa PGH.

Paliwanag niya: “Maaari pong mangyari yon kasi nga nakapahinga siya ng limang araw.

"Kung babasehan namin sa kuwento ng mga event sa Cardinal, pumasok siya na mahinang-mahina dahil hindi nakakatulog. Hindi nakakakain.

"At malaking bagay yon para sa mga may heart condition.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Maaaring ang aming mga teacher, ang ating mga colleague sa Cardinal Santos, iniisip ding gagawin ang mga test na ginawa namin, pero hindi na nagkaroon ng time kasi nga kinailangang ilipat.”

Read: Romualdez to be transferred to BJMP after "unusual" hospital stay

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jason Abalos (inset) has a pointed message for doctors amid Martin Romualdez’s controversial hospital stay. Without naming anyone, the actor and Nueva Ecija provincial board member questioned doctors who allegedly “invent” illnesses for someone facing a plunder case involving billions of pesos.
PHOTO/S: Joseph Morong / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results