PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VMX Babes guesting at Viva Hot Babes reunion concert canceled?

Zsara Laxamana on VMX Babes’ canceled guesting: "Sad po ako."
by Jojo Gabinete
Published 14 hours ago
zsara laxamana masahe presscon
The VMX Babes were reportedly supposed to guest at the Viva Hot Babes’ reunion concert Bulaklak. But according to Zsara Laxamana, the guesting was canceled. “Actually, ang pagkakaalam ko po, ang sabi po ni Boss Vic [del Rosario] sa amin, magge-guest po dapat talaga kami. Pero parang kinansel po ata ng mga ate pero okay lang naman po,” says the VMX member.
PHOTO/S: VMX Global Facebook

Kinansela umano ang guesting ng VMX Babes sa reunion concert ng Viva Hot Babes, ang Bulaklak, na gaganapin sa New Frontier Theater sa Oktubre 23, 2026.

Ito ang ibinahagi ng VMX Babes member na si Zsara Laxamana, 24, nang humarap siya sa media conference para sa VMX Special na Masahe.

Naging kontrobersiyal si Zsara nang sinabi niyang “I think we’re better” nang tanungin tungkol sa kaibahan ng kanilang grupo sa Viva Hot Babes.

Sa press conference ng Masahe ngayong Martes, Setyembre 15, tinanong siya tungkol sa posibleng partisipasyon ng VMX Babes sa reunion concert ng Viva Hot Babes.

viva hot babes bulaklak
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Zsara: “Actually, ang pagkakaalam ko po, ang sabi po ni Boss Vic [del Rosario] sa amin, magge-guest po dapat talaga kami.

"Pero parang kinansel po ata ng mga ate pero okay lang naman po.

“Pupunta pa rin po kami para mag-support sa kanila or baka magbago yung isip po nila.

"Okay lang naman po sa amin since idol po namin ang mga ate.

“At saka na-meet ko po sila the other day habang nagre-rehearse po sila. Okay naman po, mababait po sila.

"Si Ate Maui, si Ate Alessandra, at si Miss Katya po.

"All good naman po. Nag-hi ako sa kanila.”

Humingi ng paumanhin si Zsara dahil imbes na Andrea, "Alessandra" ang nasabi niyang pangalan ni Andrea del Rosario.

Ano ang naramdaman niya sa nakanselang guesting ng VMX Babes sa Bulaklak?

Pag-amin ni Zsara: “Actually, ayaw ko naman po magpakaipokrita. Na-sad po ako talaga, lalo na yung mga kasamahan ko sa VMX Babes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi excited nga po kami na ma-meet po talaga ang mga ate. Yun naman po talaga yung sa amin.

“Hindi naman po namin makokontrol kung ano po yung nararamdaman nila kasi bina-validate din po namin yung feelings nila.

"Sad lang po, but we’re very happy and proud po sa mga ate."

Read: Australian HYROX athlete Joanna Wietrzyk makes headlines after diarrhea incident

ON HOT BABES ISSUE

Sinagot din ni Zsara ang isyung hindi pumayag ang mga miyembro ng Viva Hot Babes na gamitin nila ang Hot Babes.

Kaya mula sa VMX Hot Babes, VMX Babes na lamang ang pangalan ng kanilang grupo.

“Sad po din since idol nga po namin yung mga ate. Parang hindi lang po namin in-expect yung magiging reaction nila,” reaksiyon ni Zsara.

Kapansin-pansin na matunog na "ate" ang tawag ni Zsara sa mga miyembro ng Viva Hot Babes.

Dagdag niya: “Kasi ang akala namin, kagaya po ng SexBomb, happy po sila kapag may nag-i-idolize sa kanila or may gustong sumunod sa yapak nila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Parang naano lang kami na, ‘Ay, hindi pala sila happy and proud sa amin na may mga bagong generation na ina-idolize sila.'

“Medyo sad pero okay lang naman po. Kinausap ko po yung girls na gawin na lang namin siyang motivation and inspiration.

“But okay lang po, nirerespeto namin yung mga desisyon ng mga ate since name naman po talaga nila yon.”

Read: Viva Hot Babes address controversy over “Hot Babes” name

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The VMX Babes were reportedly supposed to guest at the Viva Hot Babes’ reunion concert Bulaklak. But according to Zsara Laxamana, the guesting was canceled. “Actually, ang pagkakaalam ko po, ang sabi po ni Boss Vic [del Rosario] sa amin, magge-guest po dapat talaga kami. Pero parang kinansel po ata ng mga ate pero okay lang naman po,” says the VMX member.
PHOTO/S: VMX Global Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results