Nagtaka ang entertainment press dahil nakita nila si Yasser Mata nang dumating ito sa Viva Café para sa media conference ng Desperada, pero bigla siyang nawala nang magsimula ang presscon na naganap nitong Martes ng tanghali, Setyembre 15, 2026.
Sina Robb Guinto, Julianne Richards, at ang Desperada director na si Louie Ignacio ang tanging nakausap ng entertainment media dahil hindi na nagpakita si Yasser.

Napag-alaman ng Cabinet Files na si Robb ang nagsabi kay Yasser na huwag nang sumali sa presscon para hindi magkaroon ng isyu sa Sparkle GMA Artist Center, ang talent management arm ng GMA Network na namamahala sa career ng aktor.
May mga nanghinayang sa hindi pagsali ni Yasser sa media conference ng Desperada dahil ang pelikulang ito ang nagbigay sa kanya ng best supporting actor award sa 8th Sinag Maynila Independent Film Festival noong Marso 2026.
ROBB GUINTO ON LOVE STORY WITH YASSER MARTA
Malaki rin ang kinalaman ng Desperada sa pagmamahalan nina Robb at Yasser dahil nag-umpisa ang kanilang relasyon nang magsama sila sa nabanggit na proyekto.
Kuwento ni Robb: “During the time na sinu-shoot namin yung Desperada, wala pa po talaga [relasyon].
"Naramdaman lang namin po yun sa isa’t isa after na ng shoot ng Desperada, the moment na nagkakuwentuhan na kami about sa sarili namin.
“Tapos nalaman ko rin na sobrang mapagmahal siya sa nanay niya. Dun po ako nai-in love sa isang lalake kapag mahal niya yung nanay niya.
“Kasi ibig sabihin, kapag mahal niya yung nanay niya, ganoon din siya sa magiging asawa niya.”
Read: ABS-CBN announces retrenchment of nearly 200 employees

DESPERADA DIRECTOR'S CUT ON VMX
Ibinida naman ni Direk Louie na maraming eksena sa Desperada na hindi naipalabas sa mga sinehan ang mapapanood sa director’s cut ng VMX.
Saad niya: “Proud kami na mapupunta sa VMX kasi maganda ang pelikula, seksi at tiyak na panonoorin.
“Yung mga hindi napanood sa Sinag Maynila, marami-rami yon, mapapanood sa VMX.
“Aside from the story, yung mga scene na ipalalabas for VMX, konektado talaga sa istorya.
“Yung butt exposure ni Julianne, dito ko inilagay.
"So, makikita ninyo ang mga ginawa niya na ikaka-shock ninyo, na kailangan sa pelikula pero hindi nailagay [sa Sinag Maynila version] kasi sobrang haba na yung edited version.
“Limited lang ang pelikula kapag festivals pero sisiguraduhin ko na konektado, hindi lang basta inilagay.”
Read: Australian HYROX athlete Joanna Wietrzyk makes headlines after diarrhea incident