Hindi natapos sa pagsali ni Gazini Ganados sa Miss Grand International All Stars noong Mayo 2026 ang panawagan niyang matulungan ang kanyang Palestinong ama at ang pamilya nito na makaalis sa Gaza.
Ang Gaza ang sentro ng digmaan sa pagitan ng Palestine at Israel na nag-umpisa noong Oktubre 2023.
Muling inulit ng Miss Universe Philippines 2019 at aktres ang paghingi ng tulong sa panayam sa kanya ni Baker Atyani ng Arab News na nailathala noong Martes, Setyembre 15, 2026.
Magmula nang sumiklab ang giyera sa pagitan ng mga Palestine at Israeli, nahirapan na si Gazini na magkaroon ng komunikasyon sa kanyang dentistang ama.
Nawala na raw ang dental clinic ng ama ni Gazini dahil sa pambobomba ng Israel sa mga gusali sa teritoryo ng Palestinian.
Lubhang naapektuhan ang mga residente na naputulan ng kuryente at tubig.
“Water was cut off, electricity’s cut off. Everything, their livelihood, is destroyed.
"And what else is there? Even their dreams and hopes are shattered every single day,” pahayag ni Gazini sa Arab News.
Hindi madali para kay Gazini na tulungan ang kanyang ama at ang pamilya nitong mailikas mula sa kaguluhan na nagaganap sa Gaza, pero hindi raw nawawalan ng pag-asa ang Filipino-Palestinian beauty queen.
Nagbitaw siya ng salita na handa siyang maghintay hanggang sa huling hininga niya.
GAZINI'S FIGHT FOR PALESTINE COSTS HER ENDORSEMENTS
Ipinagtapat din ni Gazini na nawalan siya ng mga endorsement dahil sa kanyang adbokasiya na palayain ang Palestine at pagsasalita tungkol sa mga nangyayari na karahasan.
Saad niya sa panayam ng Arab News: “It has to undergo a lot of interventions and approvals from the government of the Philippines, and the Egypt and Palestine Embassy. It’s very draining to think about.
“But these things that I’m going through are nothing compared to what they’re going through.
"I’m willing to wait until the end of my breath.”

Read: Macklemore dropped from Ed Sheeran tour after "Free Palestine" speech
Matagal na panahong hindi nakita ni Gazini ang kanyang ama.
Nagkaroon lamang sila ng pagkakataong makilala ang isa’t isa matapos mapanood ng tatay ni Gazini ang panayam sa kanya sa isang TV program nang manalo siyang Miss Universe Philippines noong 2019.
Ipinakita ni Gazini sa nasabing interbyu ang larawan ng kanyang ama at ng nanay niyang Pilipina noong nagsasama pa ang dalawa, at ito ang naging daan para magkaroon sila ng komunikasyon.
Nagtagpo ang mag-ama nang bumalik sa Pilipinas ang tatay ni Gazini noong Enero 2020 para makilala nang personal ang kanyang anak.
Read: Filipino-Palestinian Gazini Ganados “scared, disturbed, deeply saddened” over Israel-Gaza war