Nasaksihan mismo ng aktor na si Sandro Muhlach ang kontrobersiyal na “diarrhea incident” na kinasangkutan ng Australian athlete na si Joanna Wietrzyk sa HYROX Beijing na ginanap sa National Speed Skating Oval sa China, mula Setyembre 10 hanggang Setyembre 13, 2026..
Opisyal na kalahok si Sandro sa HYROX Beijing kaya nakita niya mismo ang naging insidenteng pinag-uusapan ngayon sa HYROX community.
Sa kabila ng pagkakaroon ng diarrhea at pagkakalat ng dumi sa racing field, ipinagpatuloy ni Joanna ang race at nanguna pa nga sa women's solo event.
Nabanggit ni Sandro ang nangyari kay Joanna nang tanungin siya ng Cabinet Files tungkol sa mga hindi niya malilimutang karanasan sa kanyang paglahok sa kumpetisyon.
SANDRO MUHLACH'S "UNFORGETTABLE" HYROX BEIJING EXPERIENCE
Kabilang sa mga atletang nakita nang personal ni Sandro sa HYROX Beijing ang ilan sa kanyang mga iniidolong atleta.
“Ang unforgettable experience ko, nakita ko yung mga idol ko sa HYROX, like Gabe Heck, Hong Beom Seok, and of course si Joanna Wietrzyk,” banggit ni Sandro.
Ngunit hindi raw inaasahan ni Sandro na masasaksihan din niya ang insidenteng kinasangkutan ni Joanna habang ongoing ang karera.
“Nagulat ako kasi first time kong nakakita ng athlete na nagka-diarrhea while racing and nangamoy yung buong venue. Nakita ko yung mga nangyari,” lahad niya.
Dahil dito, hiningi ng Cabinet Files ang opinyon ni Sandro tungkol sa insidente at sa naging desisyon ng HYROX officials.
Para kay Sandro, mas makatarungan sana kung agad na-disqualify si Joanna matapos mangyari ang insidente.
“For me, sana po, dinisqualify na lang ng HYROX judges si Joanna dahil parang unfair naman po kasi sa ibang athletes yung nangyari.
"Kasi na-contaminate na yung mga field and yung equipments.”
Dagdag pa niya, “Sana since nangyari na yung incident, pinaalis na po siya agad sa field.”
Read: Australian HYROX athlete Joanna Wietrzyk makes headlines after diarrhea incident
SANDRO MUHLACH BREAKS PERSONAL RECORD
Sa kabila ng kontrobersiyang nasaksihan, naging masaya pa rin ang kabuuang karanasan ni Sandro sa kanyang pagsabak sa HYROX Beijing.
Unang beses ni Sandro na makarating sa China, at mas naging espesyal ang experience dahil kasama niya ang kanyang best friend na si Dex Uy.
“It was super fun po. That was the first time na nagpunta ako sa China.
"I was with my best friend Dex Uy. Sumali po kami sa Men’s Doubles at na-beat namin yung time namin sa HYROX Bangkok,” masayang kuwento ni Sandro.

Malaki rin ang ibinaba ng race time ni Sandro kumpara sa kanyang naging performance sa HYROX Bangkok.
“Na-surpass ko yung time ko sa HYROX Bangkok from 1:38:43 to 1:27:42. Nag-race po kami noong Friday, September 11 at 11 A.M.,” aniya.
Ibig sabihin, halos 11 minuto ang na-improve ni Sandro sa kanyang oras sa HYROX Beijing.
Bukod kay Dex, naging source din ng suporta ni Sandro ang kanyang girlfriend na si Shanelle Agustin at ang kanyang tita na si Angela Muhlach.

“And of course, sinuportahan ako ng girlfriend ko na si Shanelle Agustin and ng tita ko na si Angela Muhlach,” banggit ni Sandro.
Read: Rochelle Pangilinan breaks silence on rumored rift with Jopay Paguia