PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Niño Muhlach’s wife rejects crash victim's public apology

Diane Tupaz, Niño's wife, questions sincerity of Nicolas Villanueva apology.
by Jojo Gabinete
Published 7 hours ago
nino muhlach diane tupaz
Niño Muhlach’s wife Diane Abby Tupaz says the actor has continued helping Nicolas Villanueva with his medical expenses despite the controversy surrounding their accident.
PHOTO/S: Facebook

Hindi kuntento at dismayado ang pamilya ni Niño Muhlach sa public apology na ibinahagi ni Nicolas Villanueva sa social media noong Miyerkules, Setyembre 17, 2026.

Nakumpirma ito dahil sa pahayag ni Diane Abby Tupaz, ang asawa ng aktor at ina ng young star na si Alonzo Muhlach.

Si Villanueva at ang motorsiklo nito ang nabangga ng sasakyang minamaneho ni Niño sa aksidenteng nangyari sa Antipolo City noong Agosto 23, 2026.

Inako ni Niño ang pagkakamali at sinagot niya ang lahat ng gastos ni Villanueva sa ospital.

Sa kabila nito, pinaratangan siya ni Villanueva ng pagbabalewala sa nangyari at inakusahang magaling lamang umano ang aktor na mangako sa harap ng kamera.

Noong Miyerkules, binawi ni Nicolas ang lahat ng kanyang mga mapanirang bintang laban kay Niño sa pamamagitan ng social media.

Bahagi ng kanyang pahayag: “Isang taos-pusong paghingi ng paumanhin sa inyong lahat. Ako ay humihingi ng malalim na na patawad sa aking mga nasabi at nagawa kamakailan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi ni Villanueva na marami siyang natutunan at patutunayan niya ito sa kanyang mga susunod na kilos.

Read: Niño Muhlach's wife defends actor, crash victim apologizes to Niño

NINO MUHLACH'S FAMILY NOT SATISFIED WITH VILLANUEVA'S APOLOGY

Pero sa pakikipag-usap ng Cabinet Files kay Diane ngayong Biyernes, Setyembre 18, isiniwalat niyang hindi sila kuntento sa public apology ni Villanueva.

Aniya: “Sa totoo lang, hindi po happy yung family namin sa public apology niya.

"Hindi niya pa rin kinlaro na hindi naman talaga pinabayaan ni Niño yung pagsuporta sa kanya simula umpisa.

“Hindi niya binanggit lahat ang mga naibigay ni Niño sa kanya at sa pamilya niya para maklaro sa mga tao na hindi naman sila tinalikuran.

“Hindi niya kinlaro yung pagkakamali niya kay Niño, na ikinasira ni Niño sa mga tao.

“Na sigurado na kung hindi ako pumalag sa post ni Nicolas about Niño, e, dadami and hindi titigil yung grabeng pangba-bash kay Niño."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tingin pa ni Diane, “And hindi sincere yung apology niya. Parang na-Chatgpt pa nga.”

Idinagdag pa ni Diane ang kabutihan umano ng asawa niya na piniling magsawalang-kibo kesa sagutin ang mga paratang laban dito.

Saad ng misis ng aktor: “Sobrang bait nga lang talaga ni Niño.

"Hindi talaga siya magre-react kahit ganoon kagrabe ang bashing na ginagawa ng mga nagko-comment sa post ni Nicolas.

“Siguradong hahayaan na lang niya yung post ni Nicolas na maling accusations.

“Ang daming napaniwala ni Nicolas sa post niya na yun.

"Ang daming nagalit kay Niño. Mga below-the-belt ang pinagsasabi nila about Niño."

Dagdag pa ni Diane, “Suwerte ni Nicolas dahil sobrang bait ni Niño.

"Pero sobrang malas naman niya kasi ako yung misis ni Niño na papalag talaga kapag mali na yung ginagawa sa asawa at anak ko.”

Read: Niño Muhlach visits Antipolo crash victim to personally apologize

NINO'S WIFE SAYS ACTOR CONTONUES TO HELP VILLANUEVA

Ayon kay Diane, hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagtulong ni Niño kay Nicolas at malaki na ang nagagastos nila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagpaliwanag din siya tungkol sa bagong motorsiklo na hinihingi ng biktima mula sa kanyang asawa.

Lahad niya: “Tuluy-tuloy pa rin ang mga follow-up checkup niya kaya tuluy-tuloy pa rin ang mga gastos sa kanya.

“Inatat niya lang talaga yung tungkol sa motorsiklo. Pinalabas niya na hindi tinutupad ni Niño yung pagpalit ng motorsiklo niya.

"E, last last week pa pala siya tinatawagan ng insurance agent pero inaaway nila.

“Ang gusto lang naman ng insurance, dalhin sa kanila yung nasirang motorsiklo para ma-estimate.

"Hinihingan sila ng papeles nung motor niya, simpleng OR/CR and driver’s license, para maumpisahan na ang pagproseso.

"Kaso ayaw nilang ibigay ang mga hinihingi ng insurance. Galit na galit sila sa insurance.

"Ang gusto nila, bumili agad si Niño ng motorsiklo tapos dadalhin agad sa kanila.”

Nagpahiwatig si Diane na may mga problema sa mga dokumento ng motorsiklo at lisensiya ni Villanueva kaya naaantala ang imbestigasyon ng insurance company.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ni Villanueva kaugnay ng pahayag ni Diane.

Read: Niño Muhlach banned from driving for 2 years after Antipolo crash

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Niño Muhlach’s wife Diane Abby Tupaz says the actor has continued helping Nicolas Villanueva with his medical expenses despite the controversy surrounding their accident.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results