Apat na araw na ang nakararaan mula nang simulan ni Sinon Loresca ang kanyang hair transplant journey sa Bangkok, Thailand, kung saan siya kasalukuyang nakabase.
Matagal umanong pinag-isipan ni Sinon ang pagpapakapal ng kanyang buhok, lalo na’t ilang beses daw siyang nakaranas ng bullying dahil sa pagnipis ng buhok at paglapad ng noo.
Kaya nang magkaroon siya ng pagkakataon, nagdesisyon ang aktor at social media influencer na sumailalim sa hair transplant—isang procedure na mas pinili niya kaysa magsuot ng wig.
Para kay Sinon, mas komportable siya sa hair transplant kaysa sa wig, lalo na’t pawisin siya.
“Mas komportable po ako sa hair transplant kasi sa wig, feeling ko yung wig talaga is for ladies.
“Sana wala akong masaktan sa sinasabi ko. Feeling ko talaga, para sa mga babae ang wig.
"E, ako naman, pamintang bakla so mas maganda po talaga sa akin yung hair transplant.
“Saka pawisin po ang ulo ko, pawisin ang buong katawan ko. Kapag gumamit ako ng wig, na-try ko na dati, pinagpawisan ako.
"So, ang talagang the best sa akin ang hair transplant,” paliwanag ni Sinon nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong Biyernes, Setyembre 18, 2026.
Read: Rochelle Pangilinan answers rumored rift with Jopay Paguia
SINON LORESCA ON WHY HE DECIDED TO UNDERGO HAIR TRANSPLANT
Ayon kay Sinon, matagal na niyang pinag-iisipan ang magpa-hair transplant.
Isa sa mga paraan niya para maitago ang kanyang noo at pagnipis ng buhok ay ang palaging pagsusuot ng bonnet at sombrero.
Pagtatapat ni Sinon: “Matagal ko na po talagang napag-isipan na magpa-hair transplant.
"Kung napapansin ninyo, lagi akong nagsusuot ng bonnet, lagi akong nagsusuot ng sombrero.
“Itinatago ko po ang lapad ng noo ko or yung panot ko kasi talagang malapad na po ang noo ko."
View this post on Instagram
Kuwento pa niya: “Nasasaktan po kasi ako minsan kapag nabu-bully ako ng mga tao.
“Sasabihin nila na ‘Panot ka! Ang lapad ng noo mo! Puwede nang landingan yan ng eroplano! Parang playground yan ng mga bata. Puwede nang maglaro diyan!’
“Alam ko naman na pa-joke yung sinasabi nila sa akin, pero minsan yung joke ng mga tao, siyempre, naaapektuhan yung mental health natin.
"Kaya dapat maging conscious tayo sa mga sinasabi natin.
“Lagi dapat tayong magalang, maging humble. Huwag tayong basta magpuna sa mga tao na ‘Ay panot ka! Hindi maganda ang mukha mo!’
“Kahit sabihin mo na joke yan, nakakasakit tayo ng damdamin. Naaapektuhan natin ang mental health ng ibang mga tao.
“So ngayong taon, nag-decide ako na kapag may pagkakataon ako, kahit magkano pa yan, magpapa-hair transplant ako.”
Read: Shanaia Gomez shares old DMs from male celeb; Carlos Agassi and wife respond
View this post on Instagram
SINON RECOUNTS HAIR TRANSPLANT EXPERIENCE
Nagpasalamat si Sinon sa mga doktor at staff ng BEQ Hair Clinic sa Bangkok dahil natupad ang pangarap niyang sumailalim sa hair transplant procedure.
Tumagal daw ng mahigit walong oras ang procedure, kabilang na ang mga photo shoot para sa kanyang content.
Lahad niya: “Nandito ako sa Thailand. Alam ninyo, in a few months, nabigyan ako ng pagkakataon ng BEQ Clinic.
"Napakagaling po ng mga doktor. Talagang saludo po ako sa kanila.
“Wala akong masabi during the procedure. Lahat ng music na gusto ko, pine-play nila.
"Parang nasa bahay lang ako, kasama ang mga kaibigan ko, nag-bonding kami."
Ibinahagi rin ni Sinon ang kanyang naging karanasan habang isinasagawa ang procedure.
Ayon sa kanya, ang tanging masakit para sa kanya ay ang pagtuturok ng anaesthesia.
“Ang masakit lang sa procedure, yung injection sa akin ng anaesthesia. Inabot kami ng eight and a half hours sa procedure, including yung mga photo shoot para sa content.
“Wala talaga akong naramdaman na sakit pero nararamdaman ko na may itinutusok sa ulo ko. May binubunot na buhok, may itinatanim, pero wala akong maramdaman na sakit.
“Napakagaling po ng clinic na pinili ko. Napaka-blessed ko po sa opportunity na naibigay sa akin dito sa Thailand."
Apat na araw matapos simulan ang kanyang hair transplant journey, nasa healing process na raw ngayon si Sinon.
May ilang restrictions din siyang kailangang sundin habang nagpapagaling.
“Nasa healing process na ako. Bawal mag-gym ng one week. Bawal mag-jogging ng two weeks. Bawal akong magbilad sa araw.
“Wala na po akong iniinom na gamot. May swelling po nang konti pero hindi yung talagang namamaga yung mukha mo."
View this post on Instagram
Ito ang tinuturing ni Sinon na kanyang “tiis-ganda” para matupad ang pangarap niyang magkaroon ng mas makapal na buhok at magkaroon ng mas kumpiyansa sa sarili.
Read: Moira dela Torre breaks silence on Sam Milby-Catriona Gray breakup