PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mark Daniel Oquelda, 16, dies of leptospirosis; father speaks up

Grieving father of Mark recalls last moments with son who thought he'd be cured.
by Jojo Gabinete
Published 2 hours ago
Mark Daniel Oquelda, 16, dies of leptospirosis; father recalls last moments with son
Ernesto Oquelda on son Mark Daniel (left and right): "Umasa si Daniel na gagaling ito mula sa kanyang karamdaman dahil gustung-gusto pa niya na mabuhay. Ang huli niya pong sinabi, gagaling siya kasi marami pa siyang pangarap na tutuparin at ipapagawa raw niya kami ng bahay na may pinto." On right photo, Ernesto is flanked by twin brothers Samuel and Mark.
PHOTO/S: Courtesy of Ernesto Oquelda

Leptospirosis ang ikinamatay ni Mark Daniel Oquelda, 16, noong Setyembre 15, 2026 pero hindi lamang siya ang pumanaw dahil ang naturang karamdaman din ang sanhi ng pagpanaw ng tatlo pang kabataan na may edad 13, 17, at 18.

Pawang mga estudyante ang apat ng Santa Maria National High School sa Santa Maria, Bulacan.

At magkakasunod silang namatay dahil sa leptospirosis, isang trahedya na naghatid ng matinding kalungkutan na mararamdaman nang labis sa inilabas na pahayag ng pamunuan ng paaralan.

"With heavy hearts, our whole school community stands together as we mourn the sudden loss of four of our own at Sta. Maria National High School.

"Losing students is a pain no school should ever have to go through and missing their bright smiles leaves a place in our hearts and classrooms that can never be filled." saad sa pahayag.

Nagbigay pugay din ang paaralan sa "loving memory" ng apat na kabataan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa rito: "Each one of them brought so much joy, kindness, and big dreams into our school.

"They were wonderful friends, students, and their presence will be missed every single day.

"To their families, friends, and loved ones, please know that you are not alone in this painful time. The entire Marian community is hurting with you, sending you our love, thoughts, prayers, and standing by your side as you grieve.

"Though they were taken from us way too soon, the warm memories and good times we shared with them will stay with Sta. Maria National High School forever.

"Rest peacefully, dear Marians. You will always be loved and never forgotten."

4 students from Sta. Maria National High School in Sta. Maria, Bulacan died of leptospirosis
Four students from Sta. Maria National High School in Sta. Maria, Bulacan died of leptospirosis including Ernesto Oquelda's son Mark Daniel.
Photo/s: Sta. Maria National High School
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Moira dela Torre breaks silence on Sam-Catriona breakup

MARK DANIEL oquelda FROM A FAMILY OF 10

Si Mark Daniel ang isa sa walong anak nina Ernesto Oquelda, 52, at Aida, 50.

Nagtatrabaho si Ernesto bilang construction worker at mananahi naman si Aida.

May kakambal si Mark Daniel, si Samuel, na dinaramdam nang husto ang maaga na pagkawala ng kanyang kapatid.

Eksklusibong nakausap ng Cabinet Files si Ernesto Oquelda ngayong Sabado, Setyembre 19, 2026.

"Hindi po maiwasan ni Samuel na malungkot dahil dikit po talaga sila ni Daniel," bungad niya.

"Ang mga mami-miss po namin kay Daniel ay yung pagiging masipag at matulungin niya.

"Siya ay kumikilos ng walang hinahangad na kapalit.Dagdag na rin po ‘yung pagiging malambing at makulit niya bilang kapatid.

Nagdadalamhating pahayag pa ni Ernesto, "Sa sobrang sakit, hindi po namin alam kung paano na magsisimula nang wala na ang anak namin."

Nagkuwento pa si Ernesto sa huling pagkakataon na nakausap niya si Daniel bago ito binawian ng buhay

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Umasa si Daniel na gagaling ito mula sa kanyang karamdaman dahil gustung-gusto pa niya na mabuhay.

"Ang huli niya pong sinabi, gagaling siya kasi marami pa siyang pangarap na tutuparin at ipapagawa raw niya kami ng bahay na may pinto."

Ang leptospirosis, ayon sa cdc.gov, ay isang sakit sanhi ng bacteria na tinatawag na Leptospira na maaaring makita sa contaminated na tubig o lupa.

Kapag hindi ito nabigyan ng lunas, maaari itong magdulot ng "kidney damage, meningitis (inflammation of the membrane around the brain and spinal cord), liver failure, trouble breathing, and even death."

May dalawa hanggang tatlumpung araw mula ng contact sa bacteria maaaring mag-manifest ang sintomas ng leptospirosis.

Read: Christopher de Leon breaks silence on Lotlot-Ian feud

mark daniel oquelda LEPTOSPIROSIS SYMPTOMS

Ang pagbaha sa Barangay Bagbaguin, Santa Maria, Bulacan na tumagal nang labing-walong oras ang dahilan ng pagkakaroon ni Mark Daniel ng leptospirosis, ayon sa salaysay ni Ernesto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinahagi pa niya ang mga sintomas na dinanas ng anak.

"Nung August 29 po ay binaha yung lugar namin dito sa Bagbaguin. Hindi po namin inaasahan na kahit walang sugat ay tatamaan ang bata.

"September 7 po nang unang nilagnat si Daniel. Nakaramdam siya ng mga pananakit sa tiyan at panghihina ng kasu-kasuan.

"September 10 ay dinala namin siya sa isang hospital at kinagabihan po nun ay ipinadala siya sa ibang hospital para ma-emergency dialysis.

"Naka-confine po siya sa hospital hanggang September 15,2026."

Nakatakda na ilibing si Daniel sa Martes, Setyembre 22, sa Sulucan Public Cemetery ng Bocaue, Bulacan.

Mark Daniel Oquelda (right) with his twin brother Samuel (left)
Mark Daniel Oquelda (right) with his twin brother Samuel (left)
Photo/s: Courtesy of Ernesto Oquelda
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Niño Muhlach’s wife rejects crash victim's public apology

MARK DANIEL'S SON APPEALS FOR ASSISTANCE

Mahirap ang pamumuhay ng pamilya nina Ernesto at Aida kaya humihiling sila ng tulong-pinansiyal mula sa mga tao na may mabubuting puso.

Noong nakaraang linggo, ibinahagi ng Municipality of Santa Maria, Bulacan sa opisyal na Facebook page nito ang balita tungkol sa pangunguna ni Mayor Bartolome Ramos sa pamamahagi ng AICS (Assistance to Individual in Crisis Situation) ng burial at medical assistance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya tinanong ng Cabinet Files si Ernesto kung nakatanggap ang pamilya niya ng pakikiramay at tulong mula sa lokal na pamahalaan ng kanilang bayan.

"Sa ngayon na nandito [nakaburol] pa po yung anak ko, wala pa po,” ang sagot ni Ernesto na hiningan ng mensahe ng Cabinet Files para sa mga opisyal ng pamahalaan.

"Nananawagan ako sa mga nakatataas. Hindi lang isang pamilya ang dehado sa baha kung hindi buong Pilipinas.

"Hindi biro ang baha. Mali na mas na ha-highlight ang pagiging masayahin ng Pilipino.

"Maraming pamilya ang exposed sa baha.

"Nananawagan din ako na sana may gamot na pangontra sa lepto o sa mga lumulusong sa baha, pati sa mga bata."

N.B. Para sa mga kababayan natin na may mabubuting kalooban, maaaring magpadala ng tulong kay Ernesto Oqueldapara sa pagpapalibing kay Daniel sa pamamagitan ng kanyang G-cash na may numero na 09538031771.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ernesto Oquelda on son Mark Daniel (left and right): "Umasa si Daniel na gagaling ito mula sa kanyang karamdaman dahil gustung-gusto pa niya na mabuhay. Ang huli niya pong sinabi, gagaling siya kasi marami pa siyang pangarap na tutuparin at ipapagawa raw niya kami ng bahay na may pinto." On right photo, Ernesto is flanked by twin brothers Samuel and Mark.
PHOTO/S: Courtesy of Ernesto Oquelda
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results