PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lo Colby crowned 20th Miss International Queen

PH bet Red Spiegelman lands Top 6 finish at Miss International Queen
by Jojo Gabinete
Published 1 Hour ago
Lo Colby 20th Miss International Queen
Lo Colby wins 20th Miss International Queen; PH bet Red Spiegelman (not in photo) lands Top 6.
PHOTO/S: Miss International Queen

Top 6 finisher sa 20th Miss International Queen ang Philippine representative na si Red Spiegelman, samantalang si Lo Colby ng USA ang nagwagi sa patimpalak-kagandahan para sa transgender women na ginanap noong Sabado, Setyembre 19, 2026 sa Tiffany’s Show, Pattaya, Thailand.

Dalawampu’t pito ang opisyal na kandidata ng 20th Miss International Queen, at si Colby na Jennifer Lopez look-alike ang pinakamatanda pero siya ang nanalo ng korona sa edad na 35.

Si Colby ang nag-uwi ng mga special award na Best Talent at The Future of Beauty. First runner-up si Theerachaya Pimkitidaj ng Thailand at second runner-up si Saki Iwai ng Japan.

Read: Atasha Muhlach sheds tears of joy after Bongga Ka 'Day premiere

Theerachaya Pimkitidaj Q&A

Nakatanggap si Theerachaya ng mga batikos dahil dalawang beses na inulit ng pageant host at Thai actor na si Luke Plowden ang final question.

Ipinaulit ni Theerachaya ang tanong sa wikang Thai, sa tulong ng isang Thai translator pero Ingles pa rin ang ginamit niya sa pagsagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinaratangan si Theerachaya na sinadya nito na ipasalin sa Thai ang final question para makapag-isip siya nang matagal sa kanyang isasagot.

Read: Atasha Muhlach admits to being hurt by criticisms

MISS INTERNATIONAL QUEEN SIDELIGHTS

Nagsimula ng Sabado ng gabi ng koronasyon ng 20th Miss International Queen at natapos ito ng Linggo ng madaling-araw, Setyembre 20, dahil mahaba ang programa bilang paggunita sa ika-dalawampung anibersaryo ng international beauty pageant na nagsimula noong Oktubre 29,2006.

Ang aktres at drag performer na si Erica Andrews ng Mexico ang kauna-unahan na Miss International Queen, pero pumanaw siya noong Marso 11, 2013 dahil sa karamdaman sa baga.

Imbitado at dumalo sa 20th Miss International Queen ang mga dating nagwagi gaya ng mga Pilipina na sina Miss International Queen 2012 Kevin Balot, Miss International Queen 2015 Trixie Maristela, at Miss International Queen 2022 Fuschia Anne Rivera.

Miss International Queen 2015 Trixie Maristela, Miss International Queen 2012 Kevin Balot, Miss International Queen 2022 Fuschia Anne Ravena
Miss International Queen 2015 Trixie Maristela, Miss International Queen 2012 Kevin Balot, and Miss International Queen 2022 Fuschia Anne Ravena
Photo/s: Miss International Queen
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HARUNA AI

Nagbigay sigla rin sa gabi ng koronasyon ng 20th Miss International Queen si Haruna Ai, ang kauna-unahan na Hapon na nanalo ng nabanggit na karangalan noong 2009.

Prominent television personality at singer sa Japan si Haruna pero lalong nadagdagan ang kanyang popularidad dahil sa This Is I, ang biographical drama movie tungkol sa buhay niya na unang ipinalabas sa Netflix noong Pebrero 10, 2026.

Haruna Ai at 20th Miss International Queen
Photo/s: Miss International Queen
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pinasalamatan ng lahat ng mga nagwagi na Miss International Queen ang organisasyon nito dahil natupad ang mga pangarap nila, malaki ang ipinagbago at iniunlad ng kanilang mga pamumuhay nang sumali at manalo sila sa nabanggit na patimpalak.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lo Colby wins 20th Miss International Queen; PH bet Red Spiegelman (not in photo) lands Top 6.
PHOTO/S: Miss International Queen
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results