Ni-revoke ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya ni Niño Muhlach sa pagmamaneho dahil sa aksidenteng kinasangkutan niya noong Agosto 23, 2026 sa Antipolo City.
Nakatulog si Niño habang nagmamaneho dahil sa pagod.
Tatlong establisimyento at isang motorsiklo na nakaparada ang inararo ng kanyang sasakyan.
Nasaktan din si Nicolas Villanueva, ang may-ari ng motorsiklo na ipinagamot ni Niño sa ospital.
Noong nakaraang linggo, kinansela ng LTO ang driver’s license ni Niño kaya hindi ito puwedeng magmaneho ng anumang sasakyan sa loob ng dalawang taon.
Read: Niño Muhlach banned from driving for 2 years after Antipolo crash
SANDRO MUHLACH ON REVICATION OF HIS DAD'S LICENSE
Tiananong ng Cabinet Files ang anak ni Niño na si Sandro Muhlach tungkol sa reaksiyon ng kanyang ama sa kanselasyon ng lisensya nito sa pagmamaneho.
“Okay naman sa kanya. Nirerespeto niya ang desisyon ng LTO saka hindi naman siya affected, may driver si Papa,” sagot ni Sandro nang makausap namin siya matapos ang guesting niya sa Kalurks, ang talk show na napapanood sa GTV tuwing Linggo ng gabi.
Pabor daw si Sandro sa desisyon ng LTO na kanselahin ang driver’s license ng kanyang ama.
“For me, mas okay na na-revoke ang driver’s license ng papa ko dahil mas importante para sa akin ang safety niya.
"Tumatanda na rin si Papa. Lagi siyang busy, pagod.
“Yung nangyari, it’s a hard lesson for him. Ganoon talaga ang buhay, pinagdadaanan talaga ang ganyan,” saad niya.
Ayon kay Sandro, nagkaroon ng trauma si Niño dahil sa naranasanng aksidente, pero maayos na ngayon ang kalagayan ng tatay niya.
Matagal daw hindi lumabas ng kuwarto ang tatay niya dahil sa mga batikos na natanggap mula sa social media users.
“Okay naman siya," pakli niya.
"Nakatutok sa negosyo pero dati na-trauma si Papa. Hindi siya lumalabas ng kuwarto.
“Sinisiraan siya sa social media. Hindi siya sanay na bina-bash.
"Napakabait ni Papa kaya yung stepmom ko na ang sumagot sa mga basher.”
Si Sandro raw ang unang tinawagan ni Niño sa telepono nang mangyari ang aksidente.
Read: Niño Muhlach's wife defends actor; crash victim apologizes to Niño
SANDRO MUHLACH ON HYROX BEIJING DIARRHEA INCIDENT
Inimbitahan si Sandro na maging panauhin sa Kalurks para ibahagi ang nasaksihan niya nang personal na pagdumi ng Australian elite HYROX athlete na si Joanna Wietrzyk sa HYROX Beijing race na idinaos noong Setyembre 12, 2026.
Kabilang si Sandro sa mga Pilipinong lumahok sa HYROX Beijing.
Ipinapanood ni Sandro sa Cabinet Files ang mga kuha niyang videos ni Joanna.
Malinaw na malinaw ang mga ito kaya kitang-kita ang mga dumi sa katawan ng Australian athlete.
Sa panayam ng Kalurks hosts na sina DJ Jhai Ho at Ashley Rivera, lahad ni Sandro: “Nanood ako. Nagtataka ako, yung mga tao nagkakagulo sa area kung nasaan si Joanna. Bini-video-han siya ng lahat ng mga tao.
“Yun pala, may nakikita nang trail sa floor. Si Joanna kasi No. 1 in the world sa HYROX, sa women’s siya yung pinakamataas sa ranking.
"Elite athlete siya, E15 siya basically.
“Nangangamoy na talaga yung buong venue, hindi talaga maiwasan. Gaano katindi.
“Yung mga kasunod niya, actually, wala na silang choice. Nagtataka rin ako bakit hindi pinipigil ng HYROX [officials].
“Shared equipments kasi ang HYROX, by the way, so ise-share niya yung Row Erg. E, yung Row Erg, nakaupo ka.
“Actually yung friend ko, nakasabay niya si Joanna na mag-race. Tinanong ko siya, 'Anong amoy kapag malapitan?'
“Sabi niya, amoy Peking duck daw! Yun kasi ang specialty sa Beijing.”
Read: Sandro Muhlach witnesses Joanna Wietrzyk’s HYROX Beijing incident