Sinagot nina Maui Taylor at Katya Santos ang sinabi ni Zsara Laxamana na hindi matutuloy ang guesting ng VMX Babes sa Bulaklak reunion concert ng Viva Hot Babes dahil kinansela ito.
Si Zsara ay miyembro ng VMX Babes.
Sa nakaraang media conference para sa VMX special na Masahe, tinanong siya tungkol sa magiging partisipasyon ng grupo nila sa reunion concert ng Viva Hot Babes na magaganap sa New Frontier Theater, Quezon City, sa Oktubre 23, 2026.
Sagot ni Zsara: “Actually, ang pagkakaalam ko po, ang sabi po ni Boss Vic [del Rosario] sa amin, magge-guest po dapat talaga kami.
"Pero parang kinansel po ‘ata ng mga ate pero okay lang naman po.
“Pupunta pa rin po kami para mag-support sa kanila or baka magbago yung isip po nila.
"Okay lang naman po sa amin since idol po namin ang mga ate.”
Read: VMX Babes guesting at Viva Hot Babes reunion concert canceled?
MAUI, KATYA, ANDREA REACT TO ZSARA'S REVELATION
Sina Maui, Katya, at Andrea del Rosario ang mga bisita sa Kalurks ng GTV nitong Linggo ng gabi, Setyembre 20, 2026.
Ang sagot nila sa sinabi ni Zsara ang itinanong sa kanila nina DJ Jhai Ho at Ashley Rivera.
“Gusto niyang sumikat,” hindi na nakapagpigil na reaksyon ng tatlo.
Ayon kay Katya: “We are always very nice to everyone.
“You know, sometimes things must be addressed properly.
"It’s just that kasi we’re in the same company so dapat huwag kang magsira ng mga kasama mo because we’re not saying anything bad about them.
“Yung mga sinasabi niya, wala kaming alam dun. Siyempre lahat yon management’s decision.
"So. ang amin lang kasi, di ba, why use us for something?
“Kapamilya mo kami, e, di ba? Look for someone else, respect.”
Nagbitaw rin si Maui ng mensahe para kay Zsara.
Aniya: "Aside from respect, kung gusto mong sumikat, sumikat ka in you own way na wala kang tinatapakang iba, okay?
"Do it on your own. You don’t need us."
Read: Viva Hot Babes address controversy over “Hot Babes” name