Pinag-uusapan ang kontrobersiyal na Episode 7 ng The Scandal, ang South Korean period romance-drama series na pinagbibidahan nina Son Ye-jin, Nana, at Ji Chang-wook.
Nag-umpisa itong mapanood sa Netflix noong Setyembre 18, 2026.
Sa kasalukuyan, pangatlo ang The Scandal sa listahan ng Top 10 TV Shows sa Netflix Philippines.

Read: Cindy Crawford’s son Presley Gerber dies at 27
JI CHANG-WOOK AND NANA'S CONTROVERSIAL SCENES
Nakatulong sa tagumpay nito ang ingay na nilikha ng maaalab na eksena nina Ji Chang-wook at Nana.
Marami sa mga tagahanga nina Nana at Ji Chang-wook ang naeskandalo sa mga eksena nila sa The Scandal.
Napapayag silang ipakita ang maseselang bahagi ng kanilang mga katawan.
Para sa mga tagasuporta nina Nana at Ji Chang-wook, ang The Scandal ang pinakamapangahas na proyektong ginawa nila.
Hati ang reaksiyon ng mga tagahanga ng dalawang sikat na Korean singer-actors.
May mga pumupuri sa kanilang mahusay na pagganap at tapang na gampanan ang mga karakter nina Cho Won at Ahn Hui-yeon.
Pero may mga bumabatikos din kina Nana at Ji Chang-wook.
May mga naniniwalang walang sustansya at hindi kailangan sa kuwento ng The Scandal ang nude at sex scenes nila.
Nadamay rin sa mga batikos ang Netflix dahil sa mabigat na paratang ng isang netizen na "Netflix has destroyed K-drama" dahil sa nudity sa drama series.
"For Mature Audience Only 19+" ang rating ng Netflix sa The Scandal dahil sa mga eksenang erotiko at mature na kuwento.
Madaling ma-access ng mga bata sa telebisyon ang Netflix kaya kailangan ng mahigpit na patnubay at pagbabantay ng mga magulang o ng mga nakatatanda para hindi nila mapanood ang The Scandal.