Bago pa man nagkaroon ng interes at obsesyon ang mga Pilipino sa mga South Korean celebrity, naranasan na ng ‘90’s sexy star na si Yda Manzano na makipagrelasyon sa isang Koreano.
Nangyari ito noong talikuran niya ang entertainment industry.
Halos 15 taong tumigil sa pag-aartista si Yda.
Sa panahong iyon, sunud-sunod ang mga pagsubok na dumating sa kanyang buhay—kabilang na ang pagbubuntis at pagiging ina, pati na ang naging relasyon niya sa isang Korean national.
YDA MANZANO'S KOREAN EX-BOYFRIEND
Balik-tanaw ni Yda, dumaan siya sa isang mahirap na yugto matapos siyang mabuntis.
“Ang dami pong nangyari. Noong una kasi nabuntis ako noon and then, ang daming gulo na nangyari.
"Hindi alam ng magulang ko, nagtago ako,” kuwento ni Yda sa panayam ng Cabinet Files sa media conference ng Isla, ang third remake ng 1985 movie na pinagbidahan ni Maria Isabel Lopez at 1996 film na pinangunahan ni Via Veloso.
Si Margaret Diaz ang bida sa 2026 version ng Isla.
Aminado si Yda na survival mode talaga ang pinagdaanan niya noon.
Saad niya: “Grabe, survival talaga yon.
"Natigil lang ako dahil naisip ko na may anak na ako, bakit hindi pa ako tumigil sa pagpapaseksi?
“Yun talaga ang gumugulo sa utak ko noong time na yon kasi I came from a very conservative family.
"It’s just that gusto ko lang mapaiba sa pamilya namin."
Ayon kay Yda, hindi pa gaanong patok sa mga Pinoy ang K-drama nang magkaroon siya ng relasyon sa isang Korean national.
“Si Kim Joo-hyuk [Oktubre 3, 1972 – Oktubre 30, 2017] ang sikat na sikat noon.
“So I thought hindi ko mami-miss ang showbiz, tapos nagkaroon ako ng boyfriend na Korean.
"He gave me everything para matigil lang ako. He gave me properties, condo and a car, lupa.
“Wala akong ginagawa, nasa bahay lang. Pero after four years, naghiwalay kami.
“May bisyo po kasi siya, pinapatigil ko siya kasi bumalik. Kaya sabi ko, it’s better na lumayo na lang ako.
“Buti na lang, hindi kami nagkaroon ng anak kasi nga po may bisyo siya at hindi natanggal.
“Actually, hindi kami nagsama. Hindi kami nag-live in.
"Hindi ko alam kung ano ang business niya. Ang sabi niya sa akin, mabuti na yung wala akong alam.”
Read: Ma Mon Luk temporarily closed: Here’s what we know

WHY YDA MANZANO DID NOT FEAR KNOWING LITTLE ABOUT HER EX
Tinanong ng Cabinet Files si Yda kung hindi siya natakot na kakaunti ang alam niya tungkol sa kanyang dating Korean boyfriend.
“Hindi po ako takot, kasi nung time na yon, I was thinking of my parents.
"The reason why I went into showbiz, sa lahat ng magkakapatid, ako lang ang matapang. Ako lang yung nangingibang-lugar para umunlad kami.
"Yung mga kapatid ko, ordinaryo lang ang buhay nila. Ako, gusto kong makatulong.
"Yung parents ko po, sabay silang may sakit. Matanda na po sila dahil menopausal baby ako,” sagot ni Yda.
Batay sa kanyang karanasan, ikinumpara rin ni Yda ang ugali ng mga Korean sa mga Hapones.
“Para silang mga Japanese. Kapag na-in love sila sa yo, ibinibigay nila lahat. Ganoon po sila.
“Faithful naman po ako. It’s just that hindi talaga natanggal yung bisyo niya.
"Pero if ever na babalik siya, wala na yung bisyo niya, mabait po siya.”
Tinanong din namin si Yda kung hindi siya naimpluwensiyahan ng bisyo ng kanyang dating Korean boyfriend.
Lahad niya: “Honestly, nakatikim ako kaya nga iniiwasan ko. I never get addicted to everything.
"Lahat po, marami akong natikman pero never po akong naging addict.
“Malakas ang kontrol ko, lalo na ngayon na matured na ako. I know my priorities.
"Ang unang-unang iniisip ko, yung daughter ko. I am very careful about my daughter.
"True love ko talaga ang daughter ko and ayokong may mangyari sa kanya."
Read: Lakam Chiu arrested over 124 counts of qualified theft
YDA MANZANO ON HER PAST RELATIONSHIPS
Kalaunan, nagpakasal si Yda sa kanyang huling karelasyon, pero tumagal lamang ng sampung taon ang kanilang pagsasama.
Tanggap naman ni Yda na hindi naging pangmatagalan ang ilan sa kanyang mga relasyon dahil, ayon sa kanya, tila napupunta siya sa mga lalaking may kani-kanyang “imperfection.”
Lahad niya: “Nag-asawa ako, ito asawa talaga. After ten years, naghiwalay po kami because of a very personal reason.
“Yung sa una [na karelasyon] kasi, hindi pa siya ready. Marami siyang girlfriend.
"Hindi ko matanggap, may anak na kami pero ang dami niyang girlfriend.
“Ang sabi niya sa akin, ‘Maghintay ka na lang kasi bata pa ako.’
“So, unfair naman yon. Maghihintay ako hanggang tumanda?
“Yung Korean naman, may bisyo siya. Malapitin kasi ako sa mga hindi perfect.
“Yung asawa ko [ex-husband], okay naman siya. Ang problema lang, may sumabit kasi and hindi ko matanggap.”
YDA MANZANO ON HER SHOWBIZ COMEBACK
Matapos ang hiwalayan nila ng kanyang asawa, naisip ni Yda na bumalik sa showbiz.
Pero aminado siyang hindi pa siya handang harapin muli ang pressure at gulo na kaakibat ng pagiging bahagi ng entertainment industry.
“After maghiwalay kami I was thinking kung babalik ba ako sa showbiz.
“But at that time, hindi pa ako ready kasi parang panibago na naman, gulo na naman. Hindi naman talaga tahimik kapag nasa showbiz ka.
“Hindi kagaya nang kapag may private life ka, talagang tahimik ka. Walang nakikialam, walang nakakakita sa yo.”
Sa halip, nagpasya si Yda na gamitin muna ang kanyang pinag-aralan.
“Graduate ako ng Bachelor of Arts in English. So, sabi ko, gamitin ko muna yung napag-aralan ko.
“Nag-call center ako, nag-sales, ang dami kong na-experience,” lahad ni Yda.
Habang nagkakaedad, mas hinanap daw ni Yda ang isang trabaho na magiging permanente at stable para sa kanya.
Dito raw pumasok ang offer sa kanya ni Viva Entertainment COO Boss Vic del Rosario.
Isa sa mga pangunahing hinahanap ngayon ni Yda ay ang stability sa trabaho.
Saad niya: “Ang iniisip ko, stable job. Yung sakto sa akin ang sahod.
"And I am so happy na may magandang balita sa akin si Boss Vic.
“Matagal na niya akong ino-offer-an ng work sa Viva kaso lang dati kasi nag-aral ako ng Culinary. Gusto niya ako sa isa sa mga restaurant ng Viva Foods.
“Ang problema, parang hindi ko type na nangangarag ako sa kusina so hindi ko po tinanggap.
“Ngayon, meron silang io-open, yung VMX Club with casino. Ako po yung mga magma-manage sa girls, sa VMX girls, so it’s corporate na po. I am so happy.
“Hindi na po ako bumabata. Pero sabi naman po ni Boss Vic sa akin, kapag kailangan ako sa movies, puwede pa raw.”
Read: Lakam Chiu, sister of Kim Chiu, named "No. 6 Most Wanted" by QCPD