Ang celebrity makeup artist na si Bambbi Fuentes ang isa sa producers ng pelikulang Mantsa ng Dragons Entertainment Productions.
Ang Mantsa, na isang psychological suspense-drama movie, ay konsepto ni Bambbi.
Ang mga karanasan ng kanyang mga kaibigan ang naging inspirasyon ni Bambbi para gumawa ng pelikulang tumatalakay sa mental health issues na nararanasan ngayon ng mga kabataan.
Lahad niya sa Cabinet Files: “Concept ko ang kuwento ng Mantsa at isinulat ito ni Krista Taclan-Fuchs, who’s married to an Israeli.
“Very timely ang kuwento ng Mantsa dahil tungkol ito sa mga nangyayari sa mga bata. Di ba, left and right, there’s mental health issues?
“Mula ito sa mga experience ng mga kaibigan ko, mga anak nila, mga pamangkin nila.
“Supposedly, parang teen movie ito. But when we’re conceptualizing the story, oh my God, lumalim na nang lumalim ang story. Kasing-lalim na ng balon.
“Nag-meeting kami ng May 2025, isinulat ni Krista ang script noong June 2025, at natapos ang final draft noong January 4, 2026.
"We started shooting ng January 2026, ganoon katagal.”
Nakausap ng Cabinet Files si Bambbi nang samahan niya si Gelli de Belen sa promo guesting nito para sa Mantsa sa Fast Talk with Boy Abunda noong Lunes, Setyembre 21, 2026.
Read: Ma Mon Luk temporarily closed: Here’s what we know
PRODUCER / TALENT COORDINATOR / MAKEUP ARTIST / PROMO HEAD
Nabanggit ni Bambbi na hindi lamang producer ng Mantsa ang kanyang papel dahil siya rin ang nagsilbing talent coordinator, makeup artist ng mga artista, at namamahala sa promo ng pelikulang mapapanood sa mga sinehan simula sa Oktubre 7, 2026.
“Hirap ako dito dahil halos ako lahat, ako ang in-charge sa promo, nag-isip ng reels, pictorials.
"E, thirty years na ako sa showbiz so, more or less, may idea na ako.
“Ako rin ang makeup artist ng mga artista, ako rin ang talent coordinator, ako lahat,” salaysay ni Bambbi.
Tinutukan daw niya mula umpisa hanggang matapos ang shooting ng Mantsa sa isang bayan sa Bulacan.
Sina Gelli, Pilar Pilapil, Snooky Serna, Lloyd Samartino, Janice de Belen, at ang newbies na sina Khai Flores at Shira Tweg ang mga bida sa Mantsa.

Matagal nang kaibigan ni Bambbi sina Gelli at Janice kaya tinanggap agad ng magkapatid ang kanyang alok magbida sa Mantsa.
Sinabi ni Bambbi na pabor sa kanya na kaibigan niya sina Gelli at Janice dahil nakatawad siya sa talent fee ng dalawa.
“Ang galing-galing ni Gelli. Ibang-ibang Gelli ang mapapanood sa Mantsa dahil sa mata-mata acting na ipinakita niya,” papuri ni Bambbi sa kanyang matalik na kaibigan.
Read: Lakam Chiu arrested over 124 counts of qualified theft