PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ian Red linked to LTO show cause order over viral video

Eat Bulaga! co-host Ian Red's viral no-seatbelt video prompts LTO action.
by Jojo Gabinete
Published 2 hours ago
ian red lto show cause order
A viral driving video has drawn LTO action, with netizens identifying Eat Bulaga! co-host Ian Red as the TV personality involved. The LTO, however, has not officially named him in its report.
PHOTO/S: Facebook

Binigyan ng Land Transportation Office (LTO) ng Show Cause Order ang isang television personality dahil sa viral video niyang walang suot na seatbelt habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan

Bukod sa umano’y hindi pagsusuot ng seatbelt, nakita rin sa video na bumaba ang TV personality sa kanyang sasakyan habang nasa kalsada at iniwang bukas ang pintuan nito bago muling sumakay.

Dahil dito, ipinatupad ng LTO ang 90-day preventive suspension sa driver’s license ng TV personality habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Hindi binanggit ng LTO sa kanilang report ang pangalan ng TV personality, ngunit kalakip nito ang screenshot ng video kung saan naka-blurred ang mukha niya.

Kasunod nito ay kumalat sa iba't ibang social media platforms ang sinasabing aktuwal na video na pinagbasehan ng LTO.

Mapapanood dito ang Eat Bulaga! co-host na si Ian Red na nagmamaneho ng sasakyan habang nagkakasayahan at nagkakantahan sila ng kanyang mga pasahero.

Kabilang sa mga pasahero ni Ian ang kanyang Eat Bulaga! co-hosts na sina Maine Mendoza, Miles Ocampo, at Ryzza Mae Dizon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil dito, pinangalanan ng ilang netizens si Ian na siya umanong tinutukoy ng LTO na TV personality na nagmamaneho nang walang seatbelt.

@maryjoyniannie @Eat Bulaga TVJ @mainedcm @Miles Ocampo @Ryzza Mae Dizon @ianred143 #MaineMendoza #MilesOcampo #RyzzaMaeDizon #IanRed ? original sound - annieluvs

Read: Lakam Chiu arrested over 124 counts of qualified theft

LTO SHOW CAUSE ORDER

Nakasaad sa news release na inilabas ngayong Martes, Setyembre 22, 2026, na inisyuhan ng LTO ng Show Cause Order ang TV host matapos makuhanan na walang seatbelt at bumaba ng sasakyan habang nasa kalsada.

Headline ng LTO report: "TV HOST, INISYUHAN NG SCO NG LTO MATAPOS MAKUHANANG WALANG SEATBELT AT BUMABA NG SASAKYAN HABANG NASA KALSADA; LISENSYA SUPENDIDO, SASAKYAN INALARMA"

Bahagi pa ng ulat: “Matapos makarating sa ahensya ang viral video ng mga host na nagre-record habang kumakanta sa loob ng sasakyan, agad na umaksyon ang Land Transportation Office (LTO), sa direktiba ni Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, at naglabas ng Show Cause Order laban sa rehistradong may-ari at drayber ng sasakyan kaugnay ng mga nakitang paglabag sa naturang bidyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa naturang bidyo, makikitang minamaneho ang sasakyan nang walang suot na seatbelt habang nire-record ng kanyang mga kasamahan ang kanilang pagkakantahan sa loob ng sasakyan.

“Sa dulo ng bidyo, makikita ring bumaba ang drayber ng sasakyan habang nasa kalsada, iniwang bukas ang pintuan nito, at muling sumakay.

“Dahil dito, inaatasan ng LTO ang rehistradong may-ari at idrayber ng SUV na humarap sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Division (IID) sa Setyembre 29, 2026 para sa pagdinig.

“Kinakailangan din nito magsumite ng sinumpaang salaysay o paliwanag, kalakip ang mga dokumentong maaaring sumuporta sa kanilang panig, upang ipaliwanag kung bakit hindi dapat managot ang itinalagang drayber sa mga posibleng paglabag sa Failure to Wear the Prescribed Seatbelt Device at Reckless Driving, gayundin sa posibleng pagdeklara sa drayber bilang Improper Person to Operate a Motor Vehicle, na maaaring magresulta sa pagsuspinde o pagbawi ng kanyang lisensya sa pagmamaneho.

“Samantala, agad na ipinatupad ang 90-araw na preventive suspension sa lisensya sa pagmamaneho ng drayber habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Inaatasan din siyang isuko ang kanyang lisensya sa LTO, habang nananatili naman ito sa alarm status, gayundin ang sasakyan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Walang masama sa pag-content at pagsasaya sa loob ng sasakyan, pero hindi kailanman dapat isantabi ang kaligtasan para dito. Bilang lisensyadong drayber, alam niya ang kanyang responsibilidad na magsuot ng seatbelt, manatiling nakatuon sa pagmamaneho, at sumunod sa iba pang umiiral na batas-trapiko.

"Kapag may paglabag, maaasahan ang LTO na kikilos nang walang pinipili at walang pinapalampas,” dagdag ni Asec. Lacanilao sa news release na inilabas ng kanyang tanggapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lakam Chiu, sister of Kim Chiu, named "No. 6 Most Wanted" by QCPD

TITO SOTTO, SEAT BELT LAW

Dahil sa paglabag na ginawa ng TV personality, nababanggit din ang pangalan ni Senator Tito Sotto, isa sa mga pioneer host ng Eat Bulaga!.

Co-author si Sotto ng The Seat Belts Use Act of 1999 (Republic Act No. 8750), na inaprubahan bilang ganap na batas noong Agosto 5, 1999.

Nais ipaalala ng LTO sa lahat ng motorista na tiyaking laging sumusunod sa mga umiiral na batas bilang bahagi ng pananagutan na kaakibat ng pribilehiyong makapagmaneho.

Ang pribilehiyong ito ay dapat laging gamitin nang may disiplina at pag-iingat upang matiyak ang kaligtasan sa kalsada.

Patuloy ang LTO sa pagpapaalala at pagpapatupad ng mga batas upang matiyak na ang bawat motorista ay mananagot sa kanilang mga kilos sa kalsada.

Samantala, hindi pa nagsasalita o nagbibigay si Ian ng pahayag tungkol sa isyung ito na ikinokonekta sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: The Scandal Episode 7 sparks buzz over Ji Chang-wook, Nana scenes

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A viral driving video has drawn LTO action, with netizens identifying Eat Bulaga! co-host Ian Red as the TV personality involved. The LTO, however, has not officially named him in its report.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results