Ayaw nang lumabas ni Onemig Bondoc sa telebisyon, pero napapayag siya ng kanyang karelasyong si Aiko Melendez na magkasama silang mag-guest sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Miyerkules, Setyembre 23, 2026.
At para makatiyak na sisipot si Onemig sa guesting nila sa programa ni Boy Abunda, sinundo pa siya ni Aiko mula sa bahay niya sa Quezon City.
“Excited ako dahil first time ni Onemig to ever guest here.
"So, siyempre first time niya, tapos ako pa ang kasama so sobrang happy,” sabi ni Aiko matapos ang panayam sa kanilang dalawa.
Kuwento naman ni Onemig, “Never ko siyang [Aiko] nakasama sa kahit anong guesting, projects. First time.”
Dalawang dekadang hindi lumabas sa telebisyon si Onemig mula nang talikuran niya ang entertainment industry, kahit nagmula siya sa showbiz clan.
Lola ni Onemig ang pre-war actress na si Mila del Sol at tiyahin niya ang dating actress-TV host na si Jeanne Young.
Tiya rin ni Onemig ang ‘80s actress na si Monette Rivera, at pinsan niya si Abby Viduya.
Sabi ni Aiko tungkol sa patuloy na tumatatag na relasyon nila ni Onemig: "This time, we won’t let go.
“We will set aside all the pride, the ego, and love is a choice, di ba? It’s a choice that you make to stay with that person every day of your life.
"So we made the choice to stay together.”

Read: Onemig Bondoc, Aiko Melendez "happy together... after 29 years"
AIKO MELENDEZ'S SONGS FOR ONEMIG BONDOC
Bukod sa pagiging award-winning actress at politician, songwriter na rin si Aiko dahil dalawang kanta ang kanyang komposisyon, ang “Endgame Ko” at “Kapag Humupa Na ang Ingay.”
Ang pagmamahalan nila ni Onemig daw ang nagbigay kay Aiko ng inspirasyon para isulat ang mga nabanggit na awitin.
“'Endgame Ko,' I wrote that for Onemig.
"Dalawa ang kantang isinulat ko, yung isa hindi ko pa lang naire-record.
“Yung title naman ng song na yon, 'Kapag Humupa na ang Ingay.'
“Kasi sobrang dami ng ingay, kasi we’re both nasa height ng career namin noon.
"And so I wrote that song for him na ngayon humupa na yung ingay, sa huli pala, kami rin pala.
“Yung isa naman, 'Endgame,' kasi endgame ko na siya,” deklarasyon ni Aiko.
May mensahe rin si Aiko para sa mga taong hindi pa natatagpuan ang mga mamahalin nila.
Aniya: “Don’t lose hope, even if your’re 50, 60, don’t lose hope in love.
"Because, you know, love is always a blessing and it’s always a blessing to be loved and to love."
Read: Aiko Melendez, Onemig Bondoc clarify they're not "naggagamitan"