Napansin nang husto ang pagpayat ni Aga Muhlach nang dumalo siya sa opening night ng Bongga Ka ‘Day: The Annie Batungbakal Musical noong Setyembre 18, 2026 bilang suporta sa kanyang anak na si Atasha Muhlach.
Si Atasha ang bida ng musical play na itinatanghal sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila sa Pasay City.
Pero bago pa man nakita ng publiko ang body transformation ni Aga, sinagot na nito sa story conference ng 2nd Miracle in Cell No. 7 ang tanong ng mga miyembro ng entertainment media tungkol sa kanyang inspiring fitness journey.
Pagbabahagi niya: “It’s basic. It’s really food, pagkain.
"My workout, hindi ko lang ipinapakita yung gym, my workout.
“Since December last year, pero October nag-start na ako.
"Mula December, up to now, walang patid yon, MWF, I gym.
“I have a trainer who comes to the house, no miss yan. I don’t miss so it’s really consistency lang ang nangyaring yon.
“I stay consistent with my diet, I stay consistent with my workout, I stay consistent with my cardio, with my biking, and I stopped going out.
“Talagang wala akong social life. Ang naging social life ko is my bike, my gym, and my family.
“Stop talaga lahat. Lahat ng invite sa akin na dinner, like, ganyan, kung pupunta man ako, sandali lang. Isang oras.
"Kasi hindi ako puwedeng uminom, hindi ako puwedeng kumain. May baon lang ako parati.”
View this post on Instagram
Read: Eric, Aga become newest fitspiration after dramatic weight loss
NO DIET PLAN
Ayon kay Aga, hindi siya gumamit ng diet plan dahil mga normal na pagkain ang kanyang kinakain.
“It’s normal food. It’s calorie counting lang. It’s calorie deficit. It’s as simple as that.
“I can have rice. I can have ice cream. I can have this and that, basta bilang ako sa calories ko.
“But siyempre, hangga’t maaari, bawas ka sa bad food. Mas natural, better.
"But we’re not perfect so ganoon. Andoon lang ako sa within my calories lang.
"Plus, when you work out, when you exercise consistently, you bike consistently, you lift consistently, you have extra calories sa deficit mo.
"So, mas nakakabawas.
“Instead of 500 deficits, nagiging 1,000 kaya ang bilis ng pagbagsak [ng timbang] ko. Mabilis saka hindi ako lumabas talaga,” mahabang saad ni Aga.
A YOUNGER-LOOKING AGA MUHLACH IN 2ND MIRACLE IN CELL NO. 7
Ang 2nd Miracle in Cell No.7 ang prequel ng 2019 blockbuster movie na Miracle in Cell No. 7.
Official entry ito sa Metro Manila Film Festival 2026.
Ayon sa co-star ni Aga na si Mon Confiado, nagpabata ang multi-awarded actor para sa role nito sa bagong proyekto nila.
Ayon naman kay Aga, nagkataon lamang ang lahat dahil nag-umpisa nga siyang magpapayat noong Disyembre 2025.
Isa si Mon sa mga nagulat nang makita niyang nagmukhang bata si Aga dahil pumayat ito kaya lalong bumagay ang hitsura niya sa karakter na kanyang gagampanan sa prequel ng Miracle in Cell No. 7, ang topgrosser sa 45th Metro Manila Film Festival noong 2019.
Read: Aga Muhlach finally gets to work with Jodi Sta. Maria in a movie