PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aiko Melendez and Onemig Bondoc discover surprising connections

Aiko discovers Onemig is the cousin of Abby Viduya, current wife of Jomari.
by Jojo Gabinete
Published 3 hours ago
Aiko Melendez and Onemig Bondoc discover past connections between them
Aiko Melendez and Onemig Bondoc admit that they have talked about getting married in the future.
PHOTO/S: @aikomelendez Instagram

Dalawang beses na napatunayan na maliit lamang ang mundo na ginagalawan ni Aiko Melendez at ng kanyang karelasyong si Onemig Bondoc.

Una na rito ay nang malaman ng aktres na pareho silang nakatira noon sa Avalon Condominium sa San Juan City.

Mga teenager pa lamang noon ang dalawa, pero hindi sila nagkikita kaya hindi nila alam na iisang condominium building lamang ang kanilang tinitirhan.

Ang pagiging magpinsan ni Onemig at ni Abby Viduya, na dating Priscilla Almeda ang ginagamit na screen name, ang isa pang patunay na maliit ang mundo nila ni Aiko.

"Alam mo ba na magpinsan sila ni Abby Viduya?" ang sabi ni Aiko nang makausap ito ng Cabinet Files.

Maiintindihan ang pagkagulat ni Aiko nang matuklasan niyang magpinsan si Onemig at si Abby dahil ang huli ang asawa ng kanyang ex-husband na si Jomari Yllana.

Ikinasal sina Abby at Jomari noong Nobyembre 2023 sa Las Vegas, Nevada, USA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Abby Viduya and Jomari Yllana wedding
Abby Viduya and Jomari Yllana wedding

Sina Jomari at Aiko naman ay nagpakasal noong Hulyo 23, 2000 sa Archbishop’s Palace, Mandaluyong City, pero naghiwalay sila noong 2001.

Anak si Abby ng popular ‘80’s at ‘90’s DJ na si Rudolph Rivera, na kamag-anak ng ina ni Onemig na si Milo Rivera-Bondoc.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kim Chiu’s 2 siblings rally behind her amid legal battle

AIKO MELENDEZ AND ONEMIG BONDOC WEDDING PLANS

Napag-uusapan na nina Aiko at Onemig ang pagpapakasal.

Ito ang impormasyong ibinahagi nila sa panayam sa kanila ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda noong Miyerkules, Setyembre 23, 2026.

"Online, may nagsasabi na hindi raw siya annulled, hindi ako annulled.

"May we just clarify that we are both annulled.

"Malaki po ang ibinayad namin [sa annulment] so that’s why we have to be proud of it,” ang paglilinaw ni Aiko.

Maging si Onemig ay annuled na ang kasal sa dating asawa nito na si Valerie Bariou.

Ikinasal si Aiko sa second husband na si Martin Jickain noong Pebrero 16, 2006, pero humantong din sa hiwalayan ang pagsasama ng dalawa.

Ninong pa si Boy noon sa kasal nina Aiko at Martin.

Aiko Melendez and Martin Jickain wedding
Aiko Melendez and Martin Jickain wedding
Photo/s: PEP File
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kaya itinanong ng Kapuso TV host kung puwede uli siya na maging ninong kapag nagpasya nang magpakasal sina Aiko at Onemig.

"Puwede na po, I declare,” ang sagot ni Aiko.

Nagbiro si Aiko na opisyal na niyang kinukuha si Boy na ninong para sa pinag-uusapan nila ni Onemig na balak na pagpapakasal.

Read: French actor Arnaud Denis dies by euthanasia at 43

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez and Onemig Bondoc admit that they have talked about getting married in the future.
PHOTO/S: @aikomelendez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results