Sina David Licauco at Ashtine Olviga ang magbibida sa Philippine adaptation ng Fight For My Way, ang 2017 K-drama series na pinangunahan nina Park Seo-joon at Kim Ji-won.
Naganap ang cast reveal at story conference para sa unang proyektong pagsasamahan nina David at Ashtine sa Viva Café ngayong Lunes, Setyembre 28, 2026.
Ang pagbibida sa Fight For My Way ang katuparan ng pangarap ni David na magampanan ang mga karakter na binigyang-buhay ng pinakapaborito niyang Korean actor.
Nauna nang ibinahagi ni David ang paghanga niya kay Park Seo-jun nang pumirma siya ng kontrata sa Viva One noong Agosto 6, 2026.
Pahayag niya noon: “Ang lakas kasi ng dating ni Park, di ba? Tsaka ang galing niyang actor.
“I feel like parang sa lahat ng series na ginagampanan niya, iba-iba talaga yung lumalabas.
“Actually, siya ang idol ko na Korean actor.
“Yung Itaewon Class, yung kuwento kasi nun, para siyang nagsimula from nothing to something to everything, di ba?
“Through hardwork, through persistence, and nasa restaurant business din siya.
“So, I feel like medyo parehas kami ng life story in a sense kaya gustung-gusto ko yung teleserye na yon.”
Read: David Licauco signs up for Viva One series with GMA-7's blessing
DAVID LICAUCO ON REPRISING PARK SEO-JUN'S ROLE
Sa cast reveal at story conference ng Fight For My Way, tinanong ng Cabinet Files si David tungkol sa pakiramdam niya sa pagganap sa karakter na unang ginampanan ni Park Seo-joon.
Saad niya: “I am grateful, at the same time, may pressure ‘coz ang taas, e, ng Park Seo-joon.
"Alam naman natin na he’s a Korean superstar. So ako, kailangan ko lang gawin yung best ko and study yung nuances niya.
“But at the same time, hindi rin sobrang gayang-gaya kasi it would be hard, e.
"I feel like yun ang challenge ng mga Korean adaptation for actors. 'Gagayahin ko ba ito?'
"So, I think in some ways, somehow, gagayahin ko siya, pero hindi totally.
"Dapat meron pa rin David Licauco’s touch but, yeah, I am grateful."
Read: French actor Arnaud Denis dies by euthanasia at 43
DIREK CRISANTO AQUINO ON WORKING WITH NEW CAST
Mapapanood sa Viva One ang Fight For My Way simula November 20, 2026.
Bukod kina David at Ashtine, kasama rin sa proyekto sina McCoy de Leon at Aubrey Caraan. Sila ang gaganap sa mga karakter na ginampanan nina Ahn Jae-hong at Song Ha-yeon.

Ang serye ay mula sa direksiyon ni Crisanto Aquino.
Ayon kay Direk Crisanto, kapansin-pansin ang bagong combination ng main cast dahil lahat sila ay bago niyang makakatrabaho.
“Lahat sila, first time, kasi it’s always Rabin Angeles and Angela Muji.
“Itong mga bida ko ngayon, lahat ito, first time, kaya I am so excited.
"At alam kong lahat sila may ibubuga so hindi ako nagwo-worry kung mahihirapan ako o hindi.
"Ngayon pa lang, parang alam ko na hindi ako mahihirapan,” pahayag ng direktor sa Cabinet Files.
Read: Lakam Chiu released from jail after posting PHP5.6M surety bond