Hindi pa nag-uumpisa ang taping ng Philippine adaptation ng South Korean drama series na Fight For My Way kaya sumablay agad ang ikinakalat na isyu na, diumano, nanliligaw na si David Licauco kay Ashtine Olviga.
Kasama ang kanilang co-stars na sina McCoy de Leon at Aubrey Caraan, nagkita lamang sina David at Ashtine sa look test nila para sa Fight For My Way at sa media conference at cast reveal na ginanap sa Viva Café, Araneta City, Quezon City, noong Lunes, Setyembre 28, 2026.
Sa panayam ng Cabinet Files kay Ashtine, sinabi niyang hindi na siya nag-research tungkol kay David nang malaman niyang magkakasama sila sa Fight For My Way.
Saad ng Viva actress: “Kilala ko po siya. I mean, napapanood ko na siya.
"Sobrang natuwa rin po ako sa TV series nila and mas nagulat po ako kasi isa po siya sa mga hindi ko ine-expect na makaka-work ko since from GMA-7 siya.
“Pero grateful po and I’m really excited to work with him and to learn from him.”
Natuklasan daw ni Ashtine sa unang pagkakataong pagkikita nila ni David na kapwa sila mahiyain.
Kuwento ni Ashtine: “Medyo awkward kasi nakakahiya po. Pareho po pala kaming mahiyain kaya siguro yung awkwardness nandoon.
"Pero feeling ko, mas exciting yon kasi makikita ninyo yung growth ng friendship namin na mabubuo through Fight For My Way.”

Read: David Licauco lands Park Seo-joon’s role in Fight for My Way
ASHTINE ON PARTNERSHIP WITH DAVID
Tanggap ni Ashtine na may mga tagahanga siyang masasaktan dahil ipinareha siya kay David.
Pero bilang aktres, normal na itambal sila sa ibang mga artista.
Paliwanag ni Ashtine: “As actors po, we’re meant to work with anybody po talaga.
"So, siguro po sa mga supporter namin, for sure, siguro nasaktan sila, na-disappoint sila, pero kailangan din po talaga namin mag-work din.”
Sinang-ayunan ni David na dating ka-loveteam ni David si Barbie Forteza, pero natawa ang lahat sa kanyang reaksiyon.
Aniya: “Tama, tama. Actually, totoo naman yung sinabi mo, di ba?
"Siyempre, kakagaling lang niya… ah basta, okay na yon.”
Pero tiniyak at ipinangako ni Ashtine na may kilig na makikita at mararamdaman ang fans sa mga eksenang gagawin nila ni David sa Fight For My Way para maging kapani-paniwala ang kanilang “loveteam.”
Saad niya: “Makikita ninyo po yon for sure po, promise. Gagawin namin yon talaga kapag napanood na nila yung mga scene, yung series mismo.
“Naniniwala po kasi ako na, for example, if we’re promoting a project tapos love interest kami, parang sa mga ganitong event, parang hindi naman namin kailangan mag-act na nagkaka-inlaban or may something para magbenta po ng project.
“Promise po namin na kahit hindi po namin ginagawa yon, maipapakita po namin yung kilig na napanood sa original series ng Fight For My Way.”
Read: Bayani Agbayani opens up about Bea-Vincent canceled Spain wedding