Lilipad si Agot Isidro sa Portugal sa unang linggo ng Oktubre 2026 para sa Camino de Santiago (the Way of St. James) pilgrimage.
Ang Camino de Santiago ay ang paglalakbay-pananampalataya ng mga Kristiyano na nag-umpisa noong 9th century, matapos matuklasan ang mga bahagi o relics ng katawan ni St. James, isa sa mga apostol ni Hesus Kristo.
Mula sa Portugal, maglalakad lamang si Agot at ang kanyang mga kaibigan papunta sa libingan ni St. James sa katedral ng Santiago de Compostela sa Galicia, Spain.

Tinanong ng Cabinet Files si Agot kung ang dahilan ng kanyang desisyong lumahok sa Camino de Santiago pilgrimage
Sagot ng 60-year-old actress-singer: “Meron kaming mga gustong patunayan na malakas pa kami.
"And of course, it’s a pilgrimage, just to be grateful for the sixty whole years na I’m healthy.
"I am doing what I want. I have friends who love me, I have loved ones.”
Read: Patrick Garcia speaks about split with Jennylyn Mercado 18 years later
THE LONG WALK
Pinaghandaan daw niyang mabuti ang paglahok sa Camino de Santiago pilgrimage.
“Aalis ako ng first week of October so nagte-training ako.
“Nagte-training ako sa village namin sa Cavite, medyo ma-terrain.
"Nagwo-walk ako doon ng eight kilometers," sabi ni Agot.
Hindi raw madali ang gagawin nilang pitong araw na paglalakad ng kanyang mga kaibigan patungo sa kinaroroonan ng relics ni St. James.
Pagbabahagi niya: “Ten days na walking with friends from college so, at least sila, two couples and me, so fifth wheel ako.
“Meron kaming 180 kilometers na lalakarin in a span of, I think, seven days.
“Siyempre, may reflection ka while walking. Basta sa amin, after walking na yon every day, kailangan merong reward na wine-wine.”
Bahagi rin daw ng pasasalamat ni Agot sa Panginoong Diyos ang kanyang gagawing paglalakbay-pananampalataya dahil sa mga biyayag natatanggap at sa ika-34 anibersaryo ng showbiz career niya.
Saad niya: “Ang daming naganap this year for me, from the first quarter to the third quarter.
"Ang daming nangyari sa akin, sobrang grateful.
“And show everyone na 60 is not a sentence, parang continuance lang, tuluy-tuloy lang.”
Inisa-isa ang kanyang mga proyekto para sa 2026.
“Yung Balaraw is in October 29, I’m very excited.
"Another Netflix original pero series naman, so yun na ang parang last [project] ko for this year.
“Yung Ganito, Ganyan, Ganoon; Mag-iina; Filipiniana; Patay Gutom; tapos yung Elenita Elena Elaine, short film siya.”
May plano ring magkaroon ng repeat ang birthday concert ni Agot noong Hulyo 2026, pero maaaring sa ibang bansa at hindi sa Pilipinas.
Read: Agot Isidro celebrates 60th birthday with special concert