PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yasser Marta breaks down over relationship with Robb Guinto

Yasser Marta hints at “major decision" about relationship with Robb Guinto.
by Jojo Gabinete
Published 4 hours ago
yasser marta robb guinto relationship
Kapuso actor Yasser Marta admits that things have been difficult between him and girlfriend Robb Guinto, saying, “Sobra na yung nawawala na ako sa sarili ko,” while also hinting that he may have a “major decision” to make regarding their relationship.
PHOTO/S: GMA Network / Instagram

Nagulat ang mga nanood ng Fast Talk With Boy Abunda ngayong Miyerkules ng hapon, Setyembre 30, 2026, dahil sa biglang pag-iyak ni Yasser Marta nang tanungin tungkol sa relasyon nila ng VMX star na si Robb Guinto.

Hindi maitatangging may pinagdaraanan ang siyam na buwang relasyon ng dalawa.

Nang matapos ang panayam sa kanya ni Boy Abunda, tinanong ng Cabinet Files si Yasser kung ano ang dahilan ng pag-iyak niya.

Saad ng Kapuso actor: “Hindi ko na napigilan. Ang bigat lang, ang bigat lang. Hindi ko nakontrol.

"Ang bigat lang talaga. Para kasing sobra na. Sobra na.

“Sobra na, yung nawawala na ako sa sarili ko.

"Hindi ko na alam kung saan ako. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

"Hindi ko na kilala yung sarili ko, as in nawawala na ako."

Nawawala dahil sa sobrang pagmamahal kay Robb?

“Baka,” makahulugang sambit ni Yasser.

Kailan mo naman mamahalin ang sarili mo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngayon. Ito ang ginagawa ko ngayon.

"Pagmamahal sa family, sa nanay ko,kapatid ko,” sagot ni Yasser sa Cabinet Files.

yasser marta breakdown
Yasser Marta breaks down during his guesting on Fast Talk With Boy Abunda.
Photo/s: GMA Network

Read: Yasser Marta arrives, then leaves Desperada presscon; here's why

YASSER-ROBB RELATIONSHIP ON THE ROCKS?

Hindi man direktang sinabi ni Yasser, nagpahiwatig siyang may mga pagsubok ngayon sa relasyon nila ni Robb.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya: “Siguro sa lahat naman ng relasyon, talagang may hindi pagkakaintindihan, may problema.

"Pero andoon pa kami ngayon. Hindi pa namin naso-solve kung ano yung dapat i-solve.”

Gusto mo bang ipagpatuloy pa rin ang relasyon ninyo?

"Oo naman, siyempre mahal ko yung tao, e.

"Kapag mahal mo yung tao, susukuan mo ba? Mahal mo yun, e.”

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Yasser bago nito sinagot ang tanong ng Cabinet Files kung may “major decision” siyang gagawin sa mga susunod na araw na may kinalaman sa relasyon nila ni Robb.

“Meron siguro,” sabi nya.

Ipinagmalaki ni Yasser na kung mayroon mang hinahangaan ang mga taong nakakakilala sa kanyang tunay na ugali, ito ay ang pagpapakatotoo.

Aniya: “Ako naman, ever since, dati pa, parang nakita ako ni Kuya Germs, 16 years old ako, dinala na niya ako sa GMA-7.

"Thirty years old na ako ngayon. Kumbaga, never naman akong nagpanggap.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Never akong nagsinungaling. Never akong hindi naging totoong tao.

"Siguro, never akong hindi naging totoong tao.”

Kailan kayo huling nag-usap ni Robb?

“Noong Friday.”

Kumusta ang pag-uusap ninyo, okay naman?

“Hindi, e,” pag-amin ng aktor.

May mensahe ka para kay Robb?

“Ako, gusto kong makita siyang mag-succeed talaga,” sabi ni Yasser.

Read: Yasser Marta and Robb Guinto now in a relationship

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Yasser Marta admits that things have been difficult between him and girlfriend Robb Guinto, saying, “Sobra na yung nawawala na ako sa sarili ko,” while also hinting that he may have a “major decision” to make regarding their relationship.
PHOTO/S: GMA Network / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results