Humingi ng paumanhin kay Alex Eala ang isang lalakeng fan na inihagis sa Pinay tennis superstar ang kanyang sumbrero na gusto nitong papirmahan.
Malinaw na mapapanood at maririnig sa viral video ng pagtatagpo ng dalawa ang paalaala at pangaral ni Alex sa autograph seeker.
“Sir, hindi ka dapat nagtatapon ng mga gamit sa mga players.
"If you say it nicely, I will sign it for you. Pero wag ka magtatapon, please,” malumanay pero may paninindigang payo ni Alex.
Sa huli, pinirmahan pa rin ng tennis superstar ang sumbrero na inihagis sa kanya ng Pinoy fan.
Humingi naman agad ng paumanhin ang lalake na sinundan ng pasasalamat niya sa Filipino tennis superstar.
Matapos pagbigyan ang hiling ng autograph ng lalake, nagpaunlak si Alex na pirmahan ang mga tennis ball na hawak ng ibang autograph seekers.
Nangyari ang insidente pagkatapos ng isang laban ni Alex sa 2026 Asian Games na kasalukuyang ginaganap sa Aichi-Nagoya.
Umabante na si Alex sa semifinal round ng tennis competition, at nakatitiyak na ng at least bronze medal.
Read: Patrick Garcia speaks about split with Jennylyn Mercado 18 years later
NETIZENS PRAISE ALEX EALA
May ilang nagkomento na naging "disrespectful" daw si Alex, pero higit na mas marami ang nagtanggol sa kanya.
Naniniwala ang nakararaming netizens na tama ang pagsasalita niya na hindi dapat tinatapunan o hinahagisan ng mga bagay ang mga atleta.
Sabi ng isang foreigner: “I’m British and she is nothing but respectful…that young talented lady is all class and handles it well.”
Ayon sa isa pang netizen: “No disrespectful behavior here for Alex. I am glad that she told the fan that the act is not acceptable.”
Sabi naman ng isang fan: “She’s just human, like all of us. She has feelings and she gets tired. And if you’re a disrespectful fan, you deserve it."
Komento ng isa pa: “I am glad she’s putting her boundaries up. It’s true she could trip into it or any other players, they are in time crunch since she has a game afterwards. Fans should be respectful that the officials of the event are not allowing them to sign."
Read: Bayani Agbayani opens up about Bea-Vincent canceled Spain wedding