May kinalaman sa pag-iyak ng kanyang boyfriend na si Yasser Marta sa guesting nito sa Fast Talk with Boy Abunda noong Miyerkules, Setyembre 30, 2026, ang social media post ng VMX star na si Robb Guinto ngayong Huwebes, Oktubre 1.
Inamin ni Robb na may pinagdaraanan sa kasalukuyan ang siyam na buwang relasyon nila ni Yasser kaya respeto mula sa mga tao ang kanyang hinihiling.
Mensahe ng sexy actress sa kanyang Instagram Story: “I understand that people will have their own opinions based on what they see publicly.
“But there are always two sides, and there are things only the people involved truly know and understand.
“We are going through something right now, and I believe some things are better handled privately.
“I don’t want to speak badly about anyone or disclose private matters just to defend myself.
"I just hope people can give us the space and respect we need.
"Thank you to those who choose kindness.”

Read: Yasser Marta breaks down over Robb Guinto relationship: “Nawawala na ako.”
YASSER-ROBB RELATIONSHIP HEADED for SPLITSVILLE?
Lumakas ang mga hinalang may problema sa relasyon ng dalawa na maaaring humantong sa hiwalayan dahil sa pag-iyak ni Yasser sa national television.
Dagdag pa rito ang rebelasyon ng Kapuso actor sa Cabinet Files na nawawala na siya sa sarili na epekto umano ng kanyang sobrang pagmamahal kay Robb.
Pahayag ni Yasser: “Hindi ko na napigilan.
"Ang bigat lang, ang bigat lang.
"Hindi ko nakontrol. Ang bigat lang talaga.
"Para kasing sobra na. Sobra na.
“Sobra na, yung nawawala na ako sa sarili ko.
"Hindi ko na alam kung saan ako.
"Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
"Hindi ko na kilala yung sarili ko, as in nawawala na ako."
Inaasahang may malaking desisyong gagawin si Yasser sa mga susunod na araw na may kaugnayan sa tila hindi na maaayos na problema sa relasyon nila ni Robb.
Read: Patrick Garcia speaks about split with Jennylyn Mercado 18 years later