Bumuhos ang mga pagbibigay-pugay kay Erik Brown, ang Canadian diver na pumanaw sa edad na 44.
Iniulat ang kanyang pagkamatay noong Setyembre 25, 2026, ngunit hindi tinukoy ang petsa, lugar, at ang sanhi ng pagpanaw ni Brown.
Ang kaibigan niyang Swedish technical diving instructor na si Jonas Samuelsson ang isa sa mga nagpahayag ng pagdadalamhati.
Kalakip nito ang isang black-and-white photo nina Brown at Samielsson kasama ang dalawa pang divers.
Facebook post ni Samuelsson: “Erik my little brother — you once told me this was your favourite photo — and I could not agree more.
"Thank you for all the fun, crazy and beautiful moments.
"Love you to the bottom of the Bluehole and back. Going to miss your laugh kid. See you in Valhalla”
Read: Apat na bata, naligtas na mula sa Thailand cave rescue operations
ERIK BROWN: A HERO IN THE THAI CAVE INCIDENT
Itinuturing na isang bayani si Brown.
Kabilang siya sa mga nagligtas sa Thai students na miyembro ng Wild Boars football team na 18 araw nakulong at hindi nakalabas mula sa kuweba ng Tham Luang sa probinsya ng Chiang Rai.
Nangyari ang insidente na tinutukan ng buong mundo mula Hunyo 23, 2018 hanggang Hulyo 10, 2018.
Kasama ang assistant coach ng Wild Boars, labindalawang (12) estudyante ang hindi nakalabas mula sa kuweba na kanilang pinuntahan dahil pinasok ito ng rumaragasang tubig na resulta ng malakas na pagbuhos ng ulan.
Isa si Brown sa mga nagboluntaryong tumulong at nagdala sa loob ng kuweba ng mga air cylinder na ginamit sa pagliligtas sa mga biktima.
Read: Thailand cave rescue, balak gawing "major Hollywood film with A-list stars"
Animnapu’t tatlong (63) oras namalagi si Brown sa loob ng kuweba sa loob ng siyam na araw at pitong magkakahiwalay na misyon na naging matagumpay.
Dahil sa kahanga-kahangang kabayanihan na kanyang ipinamalas,pinarangalan si Brown ng Medal of Bravery ng Canada noong 2019.
Ginawaran naman siya ng Most Admirable Order of the Direkgunabhorn, First Class ng hari ng Thailand.
Noong Setyembre 2022, inilabas ng Netflix ang Thai Cave Rescue, ang documentary series tungkol sa makasaysayang pangyayari.
Tanging ang Netflix ang binigyan ng karapatang makapanayam ang mga nailigtas na kabataan.
Read: Member of Wild Boars football team rescued from Thai cave dies in UK