Sa kabila ng deklarasyon ng Miss Universe Organization (MUO) na hindi makakasali sa Miss Universe 2026 ang mga kandidata mula sa Vietnam, Thailand, Malaysia, Indonesia, Laos, at Singapore, nanindigan si Miss Grand International Organization founder Nawat Itsaragrisil na makakapunta pa rin ang mga ito sa prestihiyosong beauty pageant.
Si Nawat ang CEO ng Miss Universe Eastern, na nagsasabing magpapadala ng mga opisyal na kandidata mula sa anim na nabanggit na bansa sa 75th Miss Universe na gaganapin sa San Juan, Puerto Rico, sa Nobyembre 24, 2026.
Naging mainit ang isyu matapos ideklara ng MUO na hindi kinikilala ang Miss Universe Eastern bilang awtorisadong entity na maaaring magbigay o maglipat ng operational rights para sa Miss Universe brand sa anumang teritoryo.
MISS UNIVERSE ORGANIZATION: MISS UNIVERSE EASTERN NOT RECOGNIZED
Sa opisyal na pahayag ng MUO noong Setyembre 18, 2026, malinaw ang posisyon nito tungkol sa Miss Universe Eastern at sa mga franchise na hawak nito.
Nakasaad sa pahayag: “Miss Universe Eastern Pte. Ltd. is not a licensed entity authorized to grant or otherwise confer operational rights over the Miss Universe® brand in any territory
“The national franchise titles currently affected by this non-recognition include, without limitation, the following, whose purported license or franchise arrangements appear to have been entered into with or through Mr. Itsaragrisil or entities associated with him:
"Miss Universe Thailand (purported franchise term 2025-2029);
"Miss Universe Indonesia (purported arrangement for 2026);
"Miss Universe Vietnam (2026);
"Miss Universe Laos (2026);
"Miss Universe Malaysia (2026);
"and Miss Universe Singapore (2026).
“In light of the false and misleading statements publicly made by Mr. Itsaragrisil, as well as the lack of any valid contractual framework governing the purported arrangements, JKN Universe LLC regrets to inform that contestants representing the a forementioned countries will not be eligible to participate in the 75th Miss Universe Competition.”
Ibig sabihin, ayon sa MUO, hindi magiging eligible sa Miss Universe 2026 ang mga kandidatang kakatawan sa Thailand, Indonesia, Vietnam, Laos, Malaysia, at Singapore.
Ngunit mukhang hindi ito ang pananaw ni Nawat.
Read: Miss Universe Organization bars six Nawat-backed candidates
NAWAT ITSARAGRISIL: “WE WILL GO THERE”
Noong Oktubre 2, 2026, dumalo si Nawat bilang espesyal na panauhin sa coronation night ng Miss Universe Vietnam 2026 sa Haiphong, Vietnam.
Dito, diretsahan niyang sinabi na makakasali pa rin ang magiging kinatawan ng Vietnam sa 75th Miss Universe sa Puerto Rico.
Nang mabigyan ng pagkakataong magsalita sa stage, buong kumpiyansa niyang sinabi: “I believe that one of the lucky beauty queen from Vietnam tonight, she will represent Miss Universe, 75th in Puerto Rico for sure.
"Don’t worry anything. We will go there. See you, Puerto Ricoooo!”
View this post on Instagram
Si Nguyen Quynh Anh, 27, ang itinanghal na Miss Universe Vietnam 2026 at siyang nakatakdang kumatawan sa Vietnam sa 75th Miss Universe.
Si Trinh My Anh ang first runner-up, habang second runner-up naman si Emma Le.
Third runner-up ang rapper na si Nguyen Dieu Huyen, at fourth runner-up si Trinh Hong Dang.
Dumalo rin sa grand coronation ng Miss Universe Vietnam 2026 si Miss Universe Philippines 2026 Bea Windorski, na isa sa makakalaban ni Nguyen Quynh Anh sa Miss Universe 2026.
Sa ngayon, kapwa malinaw ang posisyon ng dalawang panig: sinasabi ng MUO na hindi eligible ang mga kandidatang mula sa anim na bansa, habang naninindigan naman si Nawat na makakasali ang mga ito sa 75th Miss Universe.
Ang magiging resulta ng hidwaan sa pagitan ng Miss Universe Organization at Miss Universe Eastern ay malalaman sa pagdaraos ng Miss Universe 2026 sa Puerto Rico sa Nobyembre 24.
Read: Miss Universe Thailand 2026 names Catriona Gray her inspiration