PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rovelyn Baterbonia on claims of people being “healed” by Rene

Rovelyn Baterbonia reveals why she went to UAAP Season 89 opener; meets Koji.
by Jojo Gabinete
Published 2 hours ago
rovelyn baterbonia son rene
Rovelyn Baterbonia shares an emotional account of people who claimed to have experienced healing after visiting her late son Rene’s wake and grave, while also clarifying her UAAP Season 89 opening-day experience.
PHOTO/S: Facebook

Mula sa guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda, na napanood sa GMA-7 noong Biyernes, Oktubre 2, 2026, nakipagkita si Rovelyn Baterbonia kay Boss Toyo at sa asawa nitong si Mary Jhoy.

Kaya parang nagkaroon tuloy ng media day ang nagdadalamhating ina ng Ateneo de Manila University basketball player na si Rene Baterbonia.

Pumanaw si Rene matapos malunod sa karagatan ng Dipaculao, Quezon, noong Hunyo 8, 2026.

Sa pag-uusap nina Rovelyn at Mary Jhoy, napag-usapan nila ang diumano’y gumagaling na karamdaman ng mga taong dumalaw noon sa burol at nagpupunta sa libingan ni Rene.

rovelyn baterbonia mary jhoy
Rovelyn Baterbonia and Mary Jhoy
Photo/s: Loves Jhoy Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Rovelyn, may isang naka-wheelchair na dumalaw sa burol ni Rene at kalaunan ay muling nagbalik upang pasalamatan ang pamilya.

Lahad niya: “Hindi ko alam kung ano talaga yung dinala ni Bobet [palayaw ni Rene] sa kanila.

"Pero totoo po yun kasi meron po akong nakilala na nung nakaburol pa siya [Rene], merong bumisita na naka-wheelchair.

“Tapos nung nagbalik siya, sabi niya sa akin, ‘Naku, maraming salamat talaga sa anak mo kasi isa ako sa mga napagaling niya. Fifty-fifty na kasi ako.’

“Nakakalakad siya kaya mula noon, palagi na siyang pumupunta. Nagpapasalamat siya sa amin.

"Pero sabi ko, sa akin, parang tinanong ko rin ang sarili ko. 'Bakit ganoon ka, ‘Bet?'”

Nagsalita rin si Rovelyn tungkol sa paniniwala ng ilang taong dumadalaw sa puntod ni Rene.

“Pero yun siguro ang paniniwala nila. Wala na rin po akong magagawa,” aniya.

Read: Rovelyn Baterbonia denies profiting from son Rene’s death

ROVELYN BATERBONIA’S MAKEOVER

Marami rin ang nagulat sa guesting ni Rovelyn sa programa ni Boy Abunda dahil sa makeover na isinagawa sa kanya sa tulong ni Rogelio “Yolly” Sata, ang resident makeup artist ng Fast Talk With Boy Abunda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil dito, nagkaroon ng espekulasyon na malaki na ang ipinagbago ng pisikal na anyo ni Rovelyn mula nang maging popular ang kuwento tungkol sa kaniyang anak.

Gayunman, ang makeover ang dahilan ng pagbabago sa hitsura niya sa programa.

rovelyn baterbonia facebook
Rovelyn Baterbonia in Fast Talk With Boy Abunda
Photo/s: GMA Network

Sa panayam ni Boy kay Rovelyn, hindi nito itinanggi ang madamdaming eksena sa burol ng kanyang anak at ang panaghoy niya na nakaapekto sa mga nakapanood ng video.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“May dala ho kayong jersey na nakapirma ho lahat ng teammates ni Bobet at ang sabi po ninyo ay ‘Anak, mula sa staff, coach, at players, kapag hindi sila nagsabi ng totoo, huwag mo silang patulugin,’” ani Boy.

Paglilinaw ni Rovelyn: “Gusto ko lang talagang malaman ang katotohanan sa pagkamatay ng anak ko, aksidente ba talaga o hindi?”

Read: Rene Baterbonia's mother throws emotional plea at son's funeral

ROVELYN: NO INVITATION FROM ATENEO

Napag-usapan din ang pagpunta ni Rovelyn sa Mall of Asia Arena noong Setyembre 16, 2026, ang araw na nag-umpisa ang Season 89 ng basketball tournament ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Pinabulaanan ni Rovelyn ang balitang nakatanggap siya ng imbitasyon mula sa pamunuan ng Ateneo de Manila University para panoorin ang laban ng Blue Eagles, ang men’s basketball team na kinaaniban ni Rene bago ito binawian ng buhay.

Saad niya kay Boy: “Hindi po ako nakatanggap ng ticket. Hindi po ako nakatanggap ng invitation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Talagang pumunta lang po ako sa MOA kasi tinupad ko lang yung sinabi ko sa anak ko na once mag-opening po yung UAAP, ako yung fans mo na number one.

“Pumunta kami doon. Nagkataon naman na first game yung Ateneo.

'Tapos ipinatawag kami ng presidente ng UAAP. Noong pumunta na kami sa taas, lumapit yung staff ng Ateneo sa amin.

“Sabi niya, ‘Nanay, ito po yung ticket. Baka gusto mong umupo kasama ng mga player.’

"Kasi nandoon daw yung parents ni Adili. Dun po daw ako pauupuin.

“Sabi ko, 'Hindi naman yon ang ipinunta ko dito. Pumunta lang ako dito para tuparin yung pangarap ng anak ko.'”

Si Divine Adili ang ka-teammate ni Rene sa Ateneo Blue Eagles na namatay rin matapos malunod sa Dipaculao, Quezon.

Ikinuwento rin ni Rovelyn kung paano siya pinuntahan at kinulit ng isang staff ng Ateneo para maupo sa tabi ng mga magulang ni Adili.

“Nung ipinatawag kami ng presidente ng UAAP, kinukulit ako ng isang staff ng Ateneo na papuntahin dun sa baba.

"Tapos, umiyak na nga ako noon kasi pinipilit niya talaga ako na pumunta sa katabi ng parents ni Adili.

“Kaya sabi ko, huwag na lang ako manood. Manood na lang kami sa pangalawang team,” dagdag na pahayag ni Rovelyn.

Ibinahagi rin ni Rovelyn ang naging pagtatagpo nila ni Koji Buenaflor, ang UST Growling Tigers player na sinabi niyang kamukha ni Rene.

rovelyn baterbonia koji buenaflor
Rovelyn Buenaflor and UST Growling Tigers player Koji Buenaflor
Photo/s: Facebook

Dahil sa pagkakahawig, naging emosyonal si Rovelyn nang makita niya si Koji.

“Sinabi ko, 'Puwede ba kitang ma-hug?' Hinug ko po siya tapos iyak ako nang iyak.

"Hindi ko napigilan yung luha ko. Na-remember ko yung last hug namin [ni Rene] dun sa airport.”

Read: Rovelyn Baterbonia clarifies PHP30 entrance fee at Rene museum

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rovelyn Baterbonia shares an emotional account of people who claimed to have experienced healing after visiting her late son Rene’s wake and grave, while also clarifying her UAAP Season 89 opening-day experience.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results