Positibo ang mga komento, marami ang mga kinilig at pinasaya ng proposal ni Onemig Bondoc kay Aiko Melendez.
Mapapanood ang proposal video ni Onemig sa YouTube channel ng aktor na ibinahagi noong Martes, Oktubre 6, 2026.
Nakipag-ugnayan ang Cabinet Files kina Aiko at Onemig para sa kanilang reaksyon sa mga pagbati na natatanggap nila mula sa publiko.
Marami ang botong-boto sa relasyon nila na simula pa lang ay inasahan nang hahantong sa kasalan.
Sa joint statement nina Aiko at Onemig, ipinaabot nila ang taos- pusong pasasalamat sa lahat ng mga nagpahayag ng pagmamahal at suporta sa bagong yugto ng kanilang buhay.
"We’re truly overwhelmed and grateful for all the love and warm wishes we’ve received as we begin this beautiful new chapter together,” ang pahayag nina Aiko at Onemig.
Ayon pa kay Aiko, nasorpresa siya at walang kaalam-alam sa plinanong proposal ni Onemig.
Si Onemig ay kilala rin sa palayaw na Uno.
"I had absolutely no hunch about the proposal until that very day," kuwento ni Aiko.
"What I thought was just another normal day of vlogging with Uno was actually meant to be a visit to my dad, Jimmy Melendez, ahead of his birthday on October 31.
"Little did I know, Onemig had something much more special planned."
Read: Aiko Melendez and Onemig Bondoc are engaged
AIKO MELENDEZ ASKS BOY ABUNDA TO BE A NINONG
Sa guesting nila sa Fast Talk with Boy Abunda noong Setyembre 23, inamin ng couple na napag-uusapan nila ang kasal.
Nabanggit pa sa episode na iyon na kung saka-sakali ay ninong si Boy sa kasal nila.
Inulit naman ni Aiko ang imbitasyon niya kay Boy na maging ninong kapag nagpakasal na sila ni Onemig.
"And Tito Ninong Boy, get ready! As we both mentioned on your show, we would be honored to have you as one of our godfathers when we finally say ‘I do.’
Sa episode ng programa nitong October 7, binasa ni Boy ang mensahe ng pasasalamat nina Aiko at Onemig sa publiko.
Sabi rito: "Thank you to everyone who has celebrated this moment with us.
"Your prayers, love, and warm wishes mean so much as we look forward to our next chapter together.
"With love and gratitude, Onemig & Aiko M. — soon to be Aiko M. Bondoc.
"29 years in the making."
Matapos basahin ang joint statement ng dalawa, buong puso na tinanggap ni Boy ang imbitasyon nina Onemig at Aiko bilang ninong sa kasal.
Aniya, “ Aiko, Onemig, I accept.”
Read: Aiko Melendez, Onemig Bondoc clarify they're not "naggagamitan"