PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

How Christiana Zaleta found a confidante in Judy Ann Santos

Christiana's mom Jane worked with Judy Ann in Esperanza.
by Jojo Gabinete
Published 1 Hour ago
Christiana Zaleta shares how Judy Ann Santos became her confidante in Call My Manager
Showbiz newbie Christiana Zaleta, daughter of former actress Jane Zaleta, shares her unforgettable experience working with Judy Ann Santos in Call My Manager. The newbie actress says, "Actually, in the middle of taping na kami nung malaman ko na noong 1997 pala for Esperanza, mag-best friend na sila ng mommy ko."

"Tita Mommy Juday" ang tawag ng basketball player at aktres na si Christiana Zaleta sa multiawarded actress na si Judy Ann Santos na nakatrabaho niya sa sikat na HBO Max series na Call My Manager.

Si Christiana ang anak ng dating aktres at Ang TV star na si Jane Zaleta. Si Jane ay gumanap na matalik na kaibigan ni Judy Ann sa Esperanza, ang 1997 drama series ng ABS-CBN.

Read: Where is Jane Zaleta now? Here's a glimpse of her life as a happy mom, frontliner

Christiana Zaleta with her mom Jane Zaleta, former Ang TV star
Christiana Zaleta (right) with her mom Jane (left)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nalaman lamang ni Christiana na personal na magkakilala ang kanyang ina at si Judy Ann sa kalagitnaan ng shooting nila para sa Call My Manager.

Gumanap si Christiana bilang baguhang artista na si Camille Vergara na kabilang sa talent agency kunsaan si Andrea Manuel (Judy Ann) ang senior manager.

"Si Tita Mommy Juday, sobrang mahal na mahal ko siya.

"Actually, in the middle of taping na kami nung malaman ko na noong 1997 pala for Esperanza, mag-best friend na sila ng mommy ko.

"So it was very overwhelming for me to actually find out na I’m the second generation to work with Judy Ann Santos.

"Ganoon siya kahaligi ng industriya na ito. Ganoon siya ka-superstar, but the whole time I was with her, tinrato niya kami na parang pamilya. Tinrato niya kami na parang mga anak,” kuwento ni Christiana.

Pinakisamahan siya at itinuring daw siya nito na parang tunay na anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag niya: "Kaya Tita Mommy Juday ang tawag ko sa kanya because she helped me to go through so much.

"Magkasama kami ng ten months, yung buong stretch ng taping namin for the Season 1.

"Ten months kaming magkakasama and every time may taping, Tita Mommy Juday would tell us to go to her dressing room, papakainin niya kami.

"Actually, yung pagkain sa set, hindi na namin nakakain dahil laging si Tita Mommy Juday ang nagpapakain sa amin."

Read: Jacob Aaron Polintan's last FB posts show motor rides, trips

CHRISTIANA ZALETA ON GUIDANCE FROM JUDY ANN SANTOS

Mas lumalalim ang paghanga ni Christiana kay Judy Ann dahil ginabayan daw siya nito hindi lang sa trabaho kundi pati sa personal niyang pinagdadaanan.

"And every time, I get alone time with her, sa kanya ako nakakapagsabi ng mga pinagdadaanan ko, ng mga bubog ko sa buhay.

"And since alam niya na anak ako ng kanyang dating best friend, siguro nagkaroon siya ng maternal instinct sa akin and she helped me go through a lot.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Tinulungan niya ako na maghanap ng life coach. Tinulungan niya akong maghanap ng parang retreat para sa mga tao na kailangan na mag-heal.

"Siya yung naging bridge ko sa pagiging better person, sa pag-grow ko and not only as an actress but also as a person."

Diin pa ni Christiana: "So I would really take any opportunity na maipakita sa inyo kung gaano ako ka-faithful kay Tita Mommy Juday.

"Sobrang love ko siya, love namin siya at minahal din niya kami ng totoo."

Read: Annette Gozon-Valdes meets with Willie Revillame; here's why

CHRISTIANA ZALETA ON HER LOVE FOR BASKETBALL

Financial Management graduate si Christiana mula sa National University (NU), at pumasok lamang siya showbiz nang matapos niya ang pag-aaral dahil ito ang kundisyon ng kanyang ina.

Miyembro si Christiana ng women’s basketball team, pero pinili niyang pagtuunan ng panahon at atensyon ang kanyang acting career.

Payo raw ito ng tatay niya, ang former PBA player at basketball coach na si Aris Dimaunahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"My dad was the one who told me to stop playing basketball.

"Siya yung nagsabi sa akin na, 'Huwag mong isusugal yung katawan mo. Huwag mong ipagpapalit yung plano mong future para dito sa college life mo. Kasi truthfully and realistically, sa ngayon, hanggang sa ngayon, walang kabuhayan ang women’s basketball.'

"Yun po ang malungkot para sa mga babae sa larangan ng basketball. Hindi po nakakabuhay ang pag-pursue ng basketball sa ngayon.

"So alam po ng daddy ko ‘yon and alam niya na siguro mas may patutunguhan ako kung mag-focus ako dito [sa acting].

"Siya po ang nagsabi sa akin na mag-stop ako, pero hindi po ako tumigil."

Siniguro naman daw ni Christiana na maayos siyang makapagpaalam sa kanyang basketball team.

"Tinapos ko po yung season ngayon para maayos ang exit ko. Maayos ang goodbye ko sa NU,” ang nagpakatotoo na lahad ni Christiana.

Marami siyang ginulat dahil sa kanyang natural at mahusay na pagganap sa karakter niya sa Call My Manager kaya isa siya sa mga aktres na baguhan na pinaniniwalaan na malayo ang mararating ng acting career.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Showbiz newbie Christiana Zaleta, daughter of former actress Jane Zaleta, shares her unforgettable experience working with Judy Ann Santos in Call My Manager. The newbie actress says, "Actually, in the middle of taping na kami nung malaman ko na noong 1997 pala for Esperanza, mag-best friend na sila ng mommy ko."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results