PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mark Mabasa still detained at Adelanto ICE facility

Mark Mabasa, an asylum seeker in US, got detained for 18 days now.
by Jojo Gabinete
Published 1 Hour ago
Mark Mabasa still detained at Adelanto ICE facility; family expresses worry amid facility issues
Mark Mabasa's family expresses growing concern for his well-being amid reported issues about the facility's unhygienic sanitation, contaminated drinking water, and lack of proper medical care for its detainees.
PHOTO/S: @markmabasa Instagram

Ang kalagayan ng Filipino singer at former X Factor Philippines Season 1 contestant na si Mark Mabasa ang kinumusta ng Cabinet Files sa mga Pilipino na naninirahan sa Amerika at sumusubaybay sa kaso niya.

Nananatiling nakabilanggo si Mark sa Immigration and Customs Enforcement (ICE) facility sa Adelanto, San Bernardino, California.

Inaresto siya ng mga tauhan ng ICE sa Los Angeles International Airport noong Setyembre 21, 2026, kahit legal at kumpleto ang dokumento ng paninirahan niya bilang asylum seeker sa Amerika.

Bumalik si Mark sa Los Angeles matapos maimbitahan na magtanghal sa show ng Beks Battalion sa Chicago noong Setyembre 19, at nang dumating sa airport, hinuli siya ng ICE agents.

Anak si Mark ng broadcast journalist na si Percy Lapid na pinaslang noong Oktubre 3, 2022, kaya lumipad ang kanilang pamilya sa Amerika noong Pebrero 2023 dahil sa mga natatanggap na banta sa kanilang buhay.

Nakatakda ang pagdinig sa kaso ni Mark sa Nobyembre 5, 2026 at ginagawa ng kanyang abogado ang lahat para makalaya siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nilinaw ng tao na nakausap ng Cabinet Files at nagmamalasakit kay Mark na walang itinalagang spokesperson ang pamilya ng singer tungkol sa kaso nito.

"Wala silang ina-appoint na spokesperson kundi ang lawyer lang ni Mark kaya hangga’t maaari, tahimik lamang sila.

"May ibang tao raw kasi na nagke-claim na spokesperson sila ni Mark," ang paglilinaw ng tao na malapit sa pamilya ng Filipino singer at nakausap ng Cabinet Files ngayong Biyernes, Oktubre 9, 2026.

Sa kasalukuyan, maayos umano ang kalagayan ni Mark sa Adelanto ICE Processing Center.

Read: Singer Mark Mabasa detained by ICE in Los Angeles

REPORTED STATE OF adelanto facility

Pero nababahala raw ang pamilya niya para sa kanyang kalusugan dahil sa kundisyon ng nabanggit na piitan.

Patunay rito ang ulat ng ng Los Angeles Times noong Oktubre 8, 2026.

Nakasaad dito na umaapela ang immigrant law and advocacy groups sa federal government na ayusin ang hindi magandang kondisyon sa Adelanto ICE Processing Center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inatasan umano ng hukuman na bigyan ang lugar ng 24-hour access sa malinis na tubig, malinis at masustansiyang pagkain, sapat na medical care, at malinis na pasilidad.

Ito ay matapos matuklasan ang unhygienic shower rooms, sira-sirang higaan, contaminated drinking water, at delayed visitation sa mga nakaditena roon.

At nang inspeksiyunin ang medical conditions ng detainees ay hindi raw pinakita ng tanggapan ang medical records ng mga ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Mabasa's family expresses growing concern for his well-being amid reported issues about the facility's unhygienic sanitation, contaminated drinking water, and lack of proper medical care for its detainees.
PHOTO/S: @markmabasa Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results