Fourth runner-up sa Mister Continental World 2026 ang Philippine representative na si Glendon Gonzales.
Pero hindi masyadong napag-uusapan ang pageant na kanyang sinalihan dahil higit na popular ang Miss Grand International na ginaganap ang koronasyon ngayong Sabado ng gabi, Oktubre 10, 2026, sa Bangkok, Thailand.
Idinaos noong Biyernes sa Ayutthaya, Thailand ang Miss and Mister Continental World 2026.
Kung pinalad si Gonzales na manalo na 4th runner-up, nabigo naman si Fiona Jam Lacay ng Pilipinas na magkaroon ng puwesto sa Miss Continental World.
Si Oma Osele ng Nigeria ang kinoronahan na Miss Continental World 2026, samantalang si Karnajit Ningthoujam ng India ang tinanghal na Mister Continental World 2026.

Read: Mark Mabasa still detained at Adelanto ICE facility
BEAUTY PAGEANTS IN THAILAND
Ang Thailand ang madalas na pinagdarausan ng mga international male and female beauty pageant dahil bukod sa kanilang world-class venues, malakas ang suporta ng mga Thai sa mga patimpalak-kagandahan.
Ang Miss International Queen, Mister International, Mister Global, Miss Grand International, at Miss Grand International All Stars ang ilan sa mga Thailand-based international pageant.
Read: How Christiana Zaleta found a confidante in Judy Ann Santos
PH BET IN MISS GRAND INTERNATIONAL
Ngayong Sabado ng gabi, Oktubre 10,2026, magkasabay na gaganapin ang koronasyon ng 14th Miss Grand International at ng 12th Mister Global.
Si MJ Ordillano ang kinatawan ng Pilipinas sa 12th Mister Global na idaraos sa MCC Hall, Nonthaburi, Thailand at si Angelica Lopez ang kandidata ng ating bansa sa 14th Miss Grand International na magaganap sa MGI Hall, Bangkok, Thailand.
Nakatutok ang Filipino beauty pageant fans sa final night ng 14th Miss Grand International dahil umaasa sila na magkakaroon ng three-peat win ang Pilipinas.
Kung sakaling manalo si Lopez, siya ang ikatlong Pilipina na mag-uuwi ng korona na dating mailap sa Pilipinas.
Si Christine Juliane Opiaza ang hinirang na Miss Grand International 2024 matapos ma-dethrone si Rachel Gupta ng India at si Emma Mary Tiglao ang Miss Grand International 2025 winner.