Second runner-up sa 12th Mister Global ang Philippine representative na si MJ Ordillano.
Pero hindi siya ang nag-iisang Pilipino na napanood sa international male pageant na ginanap nitong Sabado ng gabi, Oktubre 10, 2026, sa MCC Hall, Nonthaburi Thailand.
Nagsilbing anchor si Miss Global 2025 fourth runner-up Xena Ramos at ang Thailand-based King of Catwalk na si Sinon Loresca.
Read: Miss Grand International 2026 winning answer
sinon loresca honored to be invited as an achor
Si Piyaporn Sankosik, aka Madame Pui, ang presidente ng Miss Global at Mister Global Organization at siya nag-imbita kay Sinon bilang isa sa mga anchor at analyst ng grand final ng 12th Mister Global.
"The organization owner, Madame Pui, invited me to be one of the anchors," ang pahayag ni Sinon nang makausap ito ng Cabinet Files sa pamamagitan ng Instagram Direct habang nagaganap ang 12th Mister Global.
"I feel excited and grateful to be honest, not nervous at all,” ang sabi ni Sinon tungkol sa ikalawang pagkakataon na inimbitahan siya bilang anchor sa isang international pageant.
Unang naimbitahan si Sinon bilang pageant analyst sa Miss World Thailand na ginanap noong May 10, 2026 sa Bangkok, Thailand.
Si Dilhan Divrikli ng Turkiye ang nagwagi na 12th Mister Global, first runner-up si Bethel Mbamara ng Nigeria at third runner-up ang crowd favorite na si Anthony Tub Zaj Moua, ang kinatawan ng stateless ethnic group na Hmong.
Read: Jihan Dimachk of Tanzania is Miss Grand International 2026
MJ ORDILLANO EARNS ADMIRATION OF THAI HOST
Ang Thai talk show male host at DJ na si PK Piyawat ang isa sa mga host ng 12th Mister Global, at hindi niya naitago ang matinding paghanga niya kay MJ.
Nahalata na paborito ni PK si MJ dahil sa paulit-ulit na pagpuri niya sa paraan ng pagsasalita at pagsagot sa Q&A ng kinatawan ng Pilipinas.
At nang ianunsyo na second runner-up si MJ, sunud-sunod na papuri ang pinakawalan ni PK.
Aniya, "Beautiful mind! Beautiful body. He has done so well! Philippines, make some noise!
Malaking bagay para sa mga Pilipino ang second runner-up placement ni MJ dahil nabigo si Angelica Lopez na magkaroon ng puwesto sa 14th Miss Grand International.
Read: Angelica Lopez bows out of MGI 2026 after Top 25 finish
Magkasabay na idinaos nitong Sabado sa Thailand ang 12th Mister Global at ang 14th Miss Grand International.
Nakatakda naman na maganap sa Linggo, Oktubre 11, 2026, ang 11th Miss Global sa MCC Hall na pinagdausan din ng 12th Mister Global.
Si Jayvee Lyn Lorejo ang kandidata ng Pilipinas sa 11th Miss Global at ipinagdarasal ng kanyang mga taga-suporta na tulad ni MJ, maganda rin ang magiging kapalaran niya sa lalahukan na international pageant.
