Pareho ang kapalaran nina Gabrielle Galapia at Jayvee Lorejo sa mga international beauty pageant na sinalihan nila.
Third runner-up si Galapia sa Miss Asia Pacific International 2026 na ginanap noong Sabado, Oktubre 10, 2026 sa Mactan Expo, Lapu-Lapu City, Cebu.
At third placer din si Lorejo, ang kandidata ng Pilipinas sa Miss Global 2026 na idinaos noong Linggo, Oktubre 11, 2026, sa MCC Hall, Nonthaburi, Thailand.
Hindi masyadong napag-ukulan ng pansin ang gabi ng koronasyon ng Miss Asia Pacific International 20206 dahil kasabay ito ng 14th Miss Grand International at Mister Global, na parehong nangyari sa Thailand.
Read: Meryll Soriano happy to hear news about dad Willie Revillame
WINNERS OF THE PAGEANTS
Gaya nina Galapia at Lorejo, kapwa nagwagi sina Sasiwararin Atsawahirankarn at Saffron Snook ng Thailand sa kanilang nilahukan na international beauty contest.
Si Atsawahhirankarn ang ika-apat na Thai na nanalo ng Miss Asia Pacific International title at si Snook ang kinoronahan na Miss Global 2026.
Walang kumuwestyon sa panalo ni Atsawahhirankarn sa international beauty pageant na naganap sa Pilipinas, samantalang pinararatangan ng mga dismayado na netizens na “hometown decision” at isang “ cooking show” ang tagumpay ni Snook dahil nanalo ito sa sariling bayan.
Thailand-based ang Miss Global Organization, nag-umpisa noong 2013 ang kanilang international beauty pageant at si Snook ang kauna-unahanh Thai na nagwagi ng Miss Global crown.
Hinihingan naman ng netizens ng paliwanag si Miss Global Greece Ioanna Skoula dahil nakunan siya ng video na tila nag-aalburoto habang inaalis ang kanyang sash habang pababa ng entablado matapos tawagin ang Top 25 candidates ng Miss Global 2026.