Pabiro pero kontrobersyal at maaanghang ang mga opinyon ni Paolo Contis tungkol sa trending news noong nakaraang linggo.
Tinalakay niya ito nang maimbitahan siya bilang guest Kalurker sa Kalurks, ang entertainment talk show na napapanood nang live tuwing Linggo sa GTV.
Ang paghihiwalay nina Yasser Marta at Robb Guinto ang isa sa mga napag-usapan.
Read: Robb Guinto confirms breakup with Yasser Marta
Nang ipakita ang playback video ng pag-iyak ni Yasser sa panayam ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda, komento ni Paolo, "Sinabi ni Yasser, di ba, 'ayokong magsalita,' pero may luha na, so given na ‘yon.
"Mabigat na agad ‘yon. At saka si Yasser talaga, kapag may ipino-promote na soap, umiiyak talaga ‘yan!”
Natatawa rin na sinabi ni Paolo patungkol kay Yasser: "Kaibigan ko ‘yan!”
Read: Yasser Marta breaks down over relationship with Robb Guinto
Sinundan niya ito ng tila pribadong biruan nila.
Hirit ni Paolo, "Yasser, isoli mo yung relo!!! Joke lang… Love you Yasser!"
Read: Sarah Lahbati celebrates birthday with rumored BF Mikhail Schemm
PAOLO CONTIS ON VICE MAYOR RESPICIO
Pinag-usapan din sa Kalurks ang isyu na kinasangkutan ni Vice Mayor Harold Respicio ng Reina Mercedes, Isabela dahil sa viral video ng shouting match nila ng ibang mga opisyal ng kanilang bayan.
Para kay Paolo, "imaging" ang ginawa ni Respicio na biglang nakilala dahil sa viral video ng sigawan nila ng kanyang mga kababayan.
"Kita mo, pinag-uusapan siya. Imagine-in mo, si DILG Secretary Jonvic Remulla, ang dami niyang problema ngayon tapos biglang napunta ka sa Isabela, Vice Mayor? “
"Parang this year ko lang nakilala si Vice Mayor and I think, he’s very passionate. Medyo loud pero at least, may ginagawa.
"Para sa akin, yung sinabi ni DILG Secretary na hindi katanggap-tanggap yung ugali [ni Respicio], hindi rin naman katanggap-tanggap yung mga corrupt.
"E, di dun na ako sa sumisigaw. At least may ginagawa,” sabi ni Paolo.
Tiniyak ng Kapuso actor na hindi siya papasok sa pulitika.
"Marami akong makakaaway. Knowing me," aniya.
PAOLO CONTIS ON SECRET ROMANCES
Hiningan din si Paolo ng reaksyon ng Kalurks host na si DJ Jhai Ho tungkol sa mga aktres at aktor na may karelasyon na kapwa artista pero hindi umaamin.
"Parang fan pressure. Minsan, isini-ship sa iba, and lalo sa kabataan ngayon, kawawa rin sila kasi bina-bash sila so I feel bad for them na kailangan nilang itago.
"At the end of the day, galingan mo na lang umarte," pahayag niya.
May aral siyang ibinahagi mula sa kanyang mga personal na karanasan.
Tinukoy niya ang maayos na relasyon nila sa kasalukuyan ng kanyang ex-wife na si Lian Paz at ng dalawa nilang anak na sina Xonia at Xalene.
Matagal na panahon silang hindi nagkita at nag-usap, pero nanumbalik ang kanilang komunikasyon noong taong 2024.
August 2025 nang isapubliko niya ito.
Read: Paolo Contis, muling nakapiling ang mga anak kay Lian Paz
Sabi ni Paolo: "Dapat siguro kumuha yung ibang mga kaibigan natin or mga taga-industriya sa ginagawa ko, tahimik na lang tayo.
"Ayusin natin, yung tahimik na paraan. Ngayon, sobrang saya namin."
Wala namang binanggit si Paolo tungkol sa anak niya sa dating kasintahan na si LJ Reyes.