PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Atasha Muhlach answers mom Charlene’s famous Miss U question

Atasha Muhlach open to joining a beauty pageant.
by Jojo Gabinete
Published 6 hours ago
Atasha Muhlach open to joining a beauty pageant
Atasha Muhlach not closing her door to joining a beauty pageant like mom Charlene Gonzales.
PHOTO/S: Screengrab from Fast Talk With Boy Abunda

Si Charlene Gonzales ang 31st Bb. Pilipinas-Universe noong 1994, kaya mula nang pumasok sa showbiz ang kanyang anak na si Atasha Muhlach, marami ang nagtatanong kung susundan nito ang yapak niya.

Naging kinatawan si Charlene ng Pilipinas sa 43rd Miss Universe na ginanap noong Mayo 21,1994 sa ating bansa.

Si Atasha ang bisita sa Fast Talk with Boy Abunda noong Lunes, Oktubre 12, 2026.

At nang matapos ang panayam sa kanya ni Boy, tinanong siya tungkol sa posibilidad na pagsali niya sa national beauty pageant. “

"Why not? I’m not gonna close my door to anything, so we’ll see, di ba?” sagot ni Atasha.

Tiyak na ikatutuwa ito ng mga umaasang sasali siya sa national beauty pageant, dahil tulad ng kanyang ina, taglay niya ang mga katangian ng isang beauty queen.

Tatlumpu’t dalawang taon na ang nakalilipas mula nang sumali si Charlene sa 43rd Miss Universe.

Nagmarka ang performance ni Charlene sa mga Pilipino dahil sa kanyang sagot na, "High tide or low tide?" nang tanungin siya kung ilan ang mga isla sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Jericho, Will, Maris asked if they're hoping for a grand slam

ATASHA MUHLACH SAMPLE Q&A

Kung si Atasha raw ang tinanong, natatawang sagot niya, "Siguro right side o left side."

Bilang anak nina Charlene at Aga Muhlach, nagbigay si Atasha ng saloobin sa pagiging showbiz royalty nila ng kanyang kakambal na si Andres.

"Actually, I think for me and Andres, we both agree on this na we never really saw them as artists, like artistas or superstars.

"We saw them as parents kasi in our home. They’re so grounded. They’re so normal talaga. Very supportive and encouraging as parents.

"Honestly, I’m just very, very lucky to get whatever traits that they may have because they’re both incredible people.”

Read: Paolo Contis comments on Yasser Mata, Robb Guinto breakup

ATASHA MUHLACH PLAY

Si Atasha ang bida sa Bongga Ka ‘Day! The Annie Batungbakal Musical na mapapanood hanggang Oktubre 31, 2026 sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila, Pasay City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dalawang araw bago ang opening night ng Bongga Ka ‘Day noong Setyembre 18, 2026, nagkaroon si Atasha ng foot sprain.

Pero hindi ito naging sagabal sa kanyang pag-arte at pagbibigay-buhay sa karakter ni Annie.

Nairaos niya nang maayos ang unang gabi ng kanyang pagtatanghal para sa Bongga Ka 'Day, kahit may injury siya.

"Prayers, of course, and knowing na I have a big team of people who were there supporting me, and they got my back and I also got their back as well," ani Atasha.

Ang guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda ang kauna-unahang pagkakataong tumuntong si Atasha sa bakuran ng GMA Network Inc. kaya masayang-masaya siya sa mainit na pagtanggap sa kanya ng Kapuso Network.

"Sobrang happy po ako. As in maraming-maraming salamat sa mga Kapuso for welcoming me here.

"I had such a great time and truly thank you talaga," pagtatapos niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Atasha Muhlach not closing her door to joining a beauty pageant like mom Charlene Gonzales.
PHOTO/S: Screengrab from Fast Talk With Boy Abunda
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results