Ang payagan sila na patuloy na kunan ng video at larawan ang puntod ni Rene Baterbonia ang pakiusap ng vloggers sa kanyang ina na si Rovelyn.
May kaugnayan ang apela ng vloggers sa inanunsyo ni Rovelyn na hindi muna papayagan ang mga vlogger na kunan ng video at larawan ang libingan ng kanyang anak.
Pumanaw si Rene noong Hunyo 8, 2026 matapos aksidenteng malunod sa karagatan ng Dipaculao, Aurora.
Sa pamamagitan ng isang Facebook video post, ipinarating ni Rovelyn sa publiko ang desisyon ng kanyang pamilya.
Pahayag niya: "Simula bukas [Oktubre 13,2026], hindi po namin papayagan na merong mag-vlog o mag-picture doon sa puntod ng aking anak na si Bobet.
"Bawal munang mag-video, mag-picture doon. Maraming salamat po sa inyo dahil simula bukas, mag-start na po ang pagpapagawa namin sa bahay niya sa kanyang mauseleum po.
"Maraming salamat po sa inyo pero ang lahat na gustong magbisita po sa puntod ng anak ko, welcome po kayo, basta bawal muna mag-video at saka mag-picture."
Read: Nikko Natividad says wife Cielo suffered miscarriage while in SG
ROVELYN BATERBONIA GATEKEEPS CONTENT ON RENE BATERBONIA
Humiling ng "kaunting respeto" at pang-unawa si Rovelyn mula sa mga vlogger.
Diumano, siya lamang at ang Municipal Information Officer ng LGU ng Talacogon ang maaaring magbigay ng update tungkol sa bahay ni Rene na ipagagawa nila.
"Walang Ibang mag-update doon kondi Ako lang at sa Municipal Information Office-LGU Talacogon lang po sana maintendihan nyo pro
"Ang lahat ng gusto bomesita sa puntod ng aking anak ay welcome po kayo pro Wala Mona mag-vedio at picture sa puntod mesmo
"kaya sana konting respito lang po nagpapasalamat family baterbonia,” ang bahagi ng pakiusap at paalaala ni Rovelyn.
Para sa ibang mga vlogger, higit na marami ang tutulong sa pagpapatayo sa "bahay" ni Rene kung papayagan sila ni Rovelyn na kumuha ng video at larawan dahil maibabahagi nila sa kanilang mga social media platform ang magaganap na konstruksyon.
Read: Pops Fernandez to receive "big gift" on her 60th birthday
RENE BATERBONIA DEATH
Naging popular si Rene dahil sangkot ang Ateneo de Manila University sa pinag-usapan na pagkalunod at pagpanaw nila ng kapwa basketball player na si Divine Adili.
Nakuha naman ni Rovelyn ang simpatiya at atensyon ng publiko dahil sa labis na pagdadalamhati niya sa pagkawala ng kanyang panganay na anak at pagbebenta ng mga Rene Baterbonia merchandise.