PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jane de Leon, Louise delos Reyes make waves with new look

New look, who dis?
by Jojo Gabinete
Published 6 hours ago
Jane de Leon and Louise de Leon make waves with their new look
Jane de Leon and Louise delos Reyes are turning heads with their dramatic makeover.
PHOTO/S: Instagram

Dalawang aktres na mga nagbida sa mga fantasy drama television series ang pumukaw sa atensyon ng publiko sa linggong ito dahil sa kanilang mga gandang hindi inakala.

Si Jane de Leon, na gumanap na Darna (Agosto 2022- Pebrero 2023) ng Kapamilya Channel, at si Louise delos Reyes, ang pangunahin na karakter sa Alakdana (Enero 2011-Mayo 2011) ng GMA-7.

JANE DE LEON

Read: Atasha Muhlach answers mom Charlene’s famous Miss U question

Marami ang nagulat sa sophisticated look ni Jane nang mapanood ito sa ASAP XP na ginanap noong Oktubre 11, 2026 sa Lapid Arena, Angeles City, Pampanga.

Muling mapapanood si Jane sa ASAP XP na magaganap sa Nobyembre 15, 2026 sa Santiago City, Isabela; at ang bagong larawan niya na ginamit sa teaser ng programa ang isa sa mga patunay ng kanyang physical transformation.

Hindi kaagad nakilala si Jane ng mga tao, pero nagkakaisa ang karamihan sa paniniwala na mas maganda siya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matagal nang ibinabahagi ni Jane sa Instagram page nito ang mga larawan niya, pero napansin lamang nang husto ang kanyang nakakapanibago na itsura nang muli siyang masilayan sa telebisyon, makalipas ang matagal na panahon.

Jane de Leon transformation
Photo/s: ASAP

LOUISE DELOS REYES

Gaya ni Jane, rebelasyon din si Louise sa litrato na ibinahagi rin nito sa kanyang Instagram page at nilagyan niya ng caption na “my new go-to soft glam look!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa pagiging artista, nagtatrabaho si Louise bilang head pastry chef ng Viva International Food and Restaurants Inc.

Matagal nang hindi nakikita si Louise sa telebisyon kaya marami rin ang nagulat at humanga sa kanyang physical transformation.

Kamukha nina Lovi Poe, Andrea Torres, at ng dating aktres na si Chin-Chin Gutierrez ang reaksyon ng social media followers ni Louise sa "new look" photo niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jane de Leon and Louise delos Reyes are turning heads with their dramatic makeover.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results