PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aubrey Caraan laughs off forgetting lyrics to own song

Aubrey Caraan dreams of performing as an open act for Bruno Mars.
by Jojo Gabinete
Published A day ago
Aubrey Caraan forgets lyrics to own song "Bali-baliktarin"
Aubrey Caraan: "Sarili kong kanta, nakalimutan ko yung lyrics. Mali-mali na yung words ko habang kumakanta ng live. Buti na lang din, yung mga supporter ko po ay memorized yung lyrics."
PHOTO/S: @sacenatividad Instagram / VAA

Ang "Bali-Baliktarin" ang bagong single ni Aubrey Caraan na magpapaalaala sa lahat na bago naging aktres, singer talaga siya at dating miyembro ng Pop Girls, ang P-pop group ng Viva Records na binuo noong 2009.

Komposisyon ni Marion Aunor ang "Bali-Baliktarin." Malaki ang potensyal na maging popular ito dahil nabigyan ni Aubrey ng hustisya ang pagkanta.

Pero natatawa na ikinuwento ni Aubrey sa Cabinet Files na may mga insidente na nakakalimutan niya ang lyrics ng mga sariling kanta na isa sa kanyang mga nakakahiya na karanasan bilang singer.

"Sarili kong kanta, nakalimutan ko yung lyrics. Mali-mali na yung words ko habang kumakanta ng live. Buti na lang din, yung mga supporter ko po ay memorized yung lyrics,” ang pag-amin ni Aubrey sa Cabinet Files

"Actually, most of my songs, nakakalimutan ko ang lyrics. Recently lang, yung "Bali-Baliktarin," nababaligtad ko yung mga lyrics ng kanta ko.

"So I’m really grateful for my supporters kasi nandiyan sila to help me. Embarrasing kasi it’s my own song."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: MMFF history: Who are the record-holders for top acting awards?

JANINE TENOSO FANGIRLING OVER OLIVIA DEAN

Dahil pareho sila na Viva artist ni Janine Teñoso, itinanong ng Cabinet Files kay Aubrey ang reaksyon niya sa social media post ng kanyang kapwa singer na nabulabog nang malaman na magtatanghal sa Pilipinas sa Enero 11, 2027 ang British singer at songwriter na si Olivia Dean.

Si Olivia ang mang-aawit na hinahangaan ni Janine kaya nagprisinta ito na maging front act ng kanyang idolo.

"HI GUYS IVE BEEN A FAN OF OLIVIA DEAN SINCE 2020. IT WILL BE A DREAM COME TRUE IF I CAN OPEN ACT FOR HER, THATS MY BIRTHDAY WEEK TOO!!! PLEASE HELP A GIRL OUT REACH HER DREAMS," post niya sa social media.

Janine Tenoso wishes she can do open act for Olivia Dean concert in Manila
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ni Janine, "Hi guys pupunta si olivia dean dito next year sa birthday week ko guys. I HAVE BEEN A FAN SINCE 2020 GUYS HELP A GIRL OUT NA MAKAMIT KO ANG PANGARAP NIYANG MAKAPAG-OPEN ACT FOR OLIVIA DEAN PLS."

Janine Tenoso wishes she can do open act for Olivia Dean concert in Manila

Magdiriwang ng kaarawan si Janine sa Enero 14, 2027.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Jane de Leon, Louise delos Reyes make waves with new look

AUBREY CARAAN BIAS IS BRUNO MARS

Naiintindihan ni Aubrey ang obsesyon ni Janine kay Olivia.

"Nakita ko po ‘yan,” ang sabi ni Aubrey na tagahanga naman ng Filipino-American singer-songwriter na si Bruno Mars na nakatakda ang concert sa Philippine Arena sa Mayo 18,2027.

"Ako rin, manifesting din katulad ni Janine ‘coz I’m a fan po. Like ngayon magkakaroon ng concert si Bruno Mars. Sana maging front act ako, joke lang. Feeling,” ang birong-totoo ni Aubrey.

"Manifesting pero pare-pareho naman po kami na parang once na nalaman namin yung favorite artist namin is gonna performing here in Manila, dream namin talaga to be part of it,” ang pahayag ni Aubrey.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aubrey Caraan: "Sarili kong kanta, nakalimutan ko yung lyrics. Mali-mali na yung words ko habang kumakanta ng live. Buti na lang din, yung mga supporter ko po ay memorized yung lyrics."
PHOTO/S: @sacenatividad Instagram / VAA
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results