PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Arnold Clavio files cyber libel case over paper bag allegation

Arnold Clavio denies the claim and says he wants the truth established in court.
by Jojo Gabinete
Published 10 hours ago
arnold clavio cyber libel
Veteran broadcaster Arnold Clavio has filed a cyber libel complaint against a man who allegedly identified himself as a bodyguard of former House Speaker Zaldy Co. Clavio denies the claim that he received money in a paper bag, saying he is taking legal action to protect his name and reputation.
PHOTO/S: Courtesy of Arnold Clavio

Nakita ng Cabinet Files at ng PEP editor-at-large na si Jo-Ann Maglipon ang veteran broadcaster na si Arnold Clavio sa Quezon City Justice Hall nitong Miyerkules ng hapon, Oktubre 14, 2026.

Naghain si Arnold ng reklamong cyber libel laban sa isang lalakeng nagpakilalang bodyguard ni dating House Speaker Zaldy Co na inakusahan siyang tumanggap ng perang nakalagay umano sa isang paper bag.

Tinupad ni Arnold ang sinabi niya sa Cabinet Files na magbibigay siya ng opisyal na pahayag tungkol sa paghahain niya ng reklamong cyber libel.

Nakasaad dito na sa isang press conference noong Hunyo 2026, inilahad ng naturang indibidwal ang paratang laban sa kanya.

Ayon kay Arnold, maliban sa salaysay ng nag-aakusa, wala itong ibang mga ebidensya para suportahan ang kuwento niya.

Mariing itinanggi ng broadcaster ang mabigat na paratang at iginiit niyang sa korte na lamang nila ito harapin.

Read: UPDATED: Jacob Aaron Polintan, 24, cause of death revealed

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOT A REVENGE

Binigyang-diin ni Arnold na ang pagsasampa ng kaso ay hindi paghihiganti laban sa nag-aakusa.

Sa halip, ito raw ang hakbang na pinili niya upang itama ang impormasyong sa kanyang paniniwala ay nakasisira sa kanyang pangalan at reputasyon.

“Ang pangalan ang natatanging pamana na iniwan ng nasira kong ama at hindi ko ito hahayaan na masira,” sabi ni Arnold.

Sa halos 39 taon ni Arnold sa industriya ng pamamahayag, iginiit niyang mahalagang pangalagaan ang tiwala ng publiko at ang integridad na kanyang pinaghirapan sa loob ng maraming dekada.

Para kay Arnold, ang usapin ay hindi lamang tungkol sa isang paratang, kundi tungkol din sa pananagutan sa mga pahayag na inilalabas sa publiko at sa karapatan ng sinumang maparatangan na ipagtanggol ang kanyang sarili sa pamamagitan ng batas.

Sa pagsasampa ng kaso, umaasa si Arnold na sa tamang proseso ng batas matutukoy ang katotohanan at mabibigyan ng pagkakataong marinig ang panig ng bawat isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Erlinda Villalobos, 84, dies of pneumonia

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran broadcaster Arnold Clavio has filed a cyber libel complaint against a man who allegedly identified himself as a bodyguard of former House Speaker Zaldy Co. Clavio denies the claim that he received money in a paper bag, saying he is taking legal action to protect his name and reputation.
PHOTO/S: Courtesy of Arnold Clavio
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results