PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boy Abunda backs Kris Aquino if she sues podcast hosts over Josh

Boy Abunda condemns "cruel" remarks about Kris Aquino’s son Josh.
by Jojo Gabinete
Published 10 hours ago
boy abunda kris aquino son joshua
Veteran TV host Boy Abunda (left) was nearly moved to tears as he reacted to the controversial remarks made by the hosts of the Machong Chismisan podcast about (right photo) Josh Aquino, the eldest son of Kris Aquino. “Na-disturb ako na five matured men and I think some of them would have children, who whimsically were insulting, mocking, diminishing a young man who has no power to fight back?" says Boy.
PHOTO/S: YouTube / Instagram

Halos maluha ang veteran TV host na si Boy Abunda nang hingin ng Cabinet Files ang kanyang reaksiyon sa pang-iinsulto ng mga host ng Machong Chismisan podcast kay Joshua “Josh” Aquino, 31, ang panganay na anak ni Kris Aquino.

Nasaktan si Boy sa naging trato ng podcasters na sina Tito P, Makoy Pare, at Lawrence Vivar kay Josh.

Si Tito P ang nagbiro tungkol sa umano’y daily allowance ni Josh habang nagtatawanan ang kanyang mga co-host.

Humingi na ng paumanhin sina Makoy Pare at Lawrence matapos silang batikusin ng netizens.

Read: Who are the five men in the viral Machong Chismisan episode?

Hindi napigilang ipahayag ni Boy ang kanyang pagkabahala sa mga insensitive comment ng mga ito, lalo na ang pagkukumpara kay Josh sa nakababatang kapatid nitong si Bimby.

“Galit ako, but more than the galit, I was really bothered. Na-bother talaga ako na parang, unang-una, ano na ba ang nangyari sa atin? What have we become?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ito ay tanong para sa ating mga media practitioner, sa mga host, sa mga nagpo-podcast. I’m not talking about a perfect world, natatapilok tayo, nagkakamali tayo.

“Pero nung mapanood ko, mukhang mga matatalino sila, mga disente. They knew what they were talking about.

"But to make fun of a child na walang kalaban-laban, para pagtawanan mo ang kapanasanan ng isang bata na walang kamuwang-muwang, walang pagkakataong lumaban, I found that cruel,” halos maluhang sabi ni Boy.

Read: Netizens call out Machong Chismisan podcast for mocking Kris Aquino’s son Josh

BOY ABUNDA DEFENDS JOSH AQUINO

Partikular daw na ikinasakit ng loob ni Boy ang komento ng isang host na “Walang kuwenta” si Josh; gayundin ang pagkukumpara sa kanya kay Bimby, na kasalukuyang tumutulong sa pag-aalaga sa kanilang inang si Kris.

Saad ni Boy: “Sinabi nila na ‘Walang kuwenta’ si Josh. You were actually comparing Josh to Bimb who’s attending to the mother na, para sa akin, napaka-unfair. Napaka-hindi tama yung comparison.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mahal na mahal ni Kris yung bata. Mahal na mahal ni Josh yung kanyang ina and then, meron pang isang nagbiro na ‘Ayun, nakatunganga lang.’”

Binalikan ni Boy ang panahon nang dalawin niya si Kris sa Amerika.

Personal niyang nasaksihan kung paano tumutulong sina Josh at Bimby sa pag-aasikaso sa kanilang ina habang may karamdaman ito.

Lahad niya: “Nung ako dumalaw sa kanila sa Amerika, I was asking, 'What are you doing here, Bimb?'

“He was in-charge of coordinating with the nurses, siya yung nag-aasikaso sa meds of his mom. Ito yung si Kris was down to 82 pounds.

“Si Josh, kung hindi ako nagkakamali, at the beginning of the day, he would gather everybody and he would lead the prayer.

"At the end of the day, parang may Angelus, again, he would lead the prayer.”

kris aquino sons bimby josh
Kris Aquino with sons Josh (left) and Bimby (right)
Photo/s: @krisaquino on Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Para kay Boy, hindi dapat hinuhusgahan ang halaga ng isang tao batay sa nakikita o nauunawaan ng iba.

Iginiit niyang hindi alam ng mga tao ang buong kuwento ng buhay ni Josh at ng kanyang pamilya.

“Ang laking bagay nun para sa akin. Hindi dahil sinasakyan ko kung may pakinabang, but who are we to judge?

"Who are we to know and who are we to say na may halaga or walang halaga ang isang tao?"

Saad pa ni Boy: “Na-disturb ako na five matured men and I think some of them would have children, who whimsically were insulting, mocking, diminishing a young man who has no power to fight back.

"Yun ang masakit sa akin. Dun ako disturbed.

"I have not seen the whole episode. Yung clip lang when they’re talking about Josh. Parang, bakit? Ano bang nagawa sa inyo ng bata?

“Alam mo naman ako, hindi ako mapagpatol sa mga ganitong bagay, pero nakita ko lang na walang kalaban-laban yung bata at saka mali na, sobrang mali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And for intelligent, mature men who do a podcast and you treat a person with disability the way you did, I don’t know.

“Tapos naalaala ko pa kung paano mahalin si Josh ng pamilya. Mahal na mahal siya ng dating presidente, President Cory and President Noynoy, lahat sila, the whole family.”

Read: Atasha Muhlach clarifies relationship status amid Jacob Ang sightings

BOY SUPPORTS KRIS IF SHE TAKES LEGAL ACTION

Sinabi rin ni Boy na susuportahan niya si Kris kung magpasya itong magsampa ng reklamo laban sa mga host ng Machong Chismisan dahil sa kanilang mga komento tungkol kay Josh.

Para sa TV host, hindi lamang ito personal na usapin ng pamilya Aquino. Naniniwala siyang dapat ding ipaglaban ang dignidad ng mga taong may kapansanan at ang mga magulang na nasasaktan kapag minamaliit ang kanilang mga anak.

Pahayag ni Boy: “It was not out of anger. Somebody showed me yung batas na bawal paglaruan, insultuhin, tawanan, to mock.

"Kaya sabi ko, ‘Kris, idemanda mo!’

“Suportahan ko yon. Susuportahan ko if Kris decides to go to court.

"Not that they need money but as someone who’s close to the family. As someone who loves the boy kasi wala pa akong maisip as of now na ibang recourse. Pag-usapan natin.

“And I’m speaking on behalf ng lahat ng mga may kapansanan. Lahat ng mga magulang na may mga anak.

"I am speaking for all of you, hindi lang para kay Josh.

“Wala tayong karapatan, wala ni isang may karapatan na insultuhin, maliitin and to push them to a point where they become.... it was inhumane, that whole clip, to dehumanize a young boy.

"It dehumanize Josh. Ang pangit, hindi maganda."

Read: Jane de Leon, Louise delos Reyes make waves with new look

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran TV host Boy Abunda (left) was nearly moved to tears as he reacted to the controversial remarks made by the hosts of the Machong Chismisan podcast about (right photo) Josh Aquino, the eldest son of Kris Aquino. “Na-disturb ako na five matured men and I think some of them would have children, who whimsically were insulting, mocking, diminishing a young man who has no power to fight back?" says Boy.
PHOTO/S: YouTube / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results