May ambag si dating Batangas Vice-Governor Mark Leviste sa kontrobersiya ng panghahamak ng mga host ng podcast show na Machong Chismisan kay Josh Aquino, 31.
Si Josh ay panganay na anak ni Kris Aquino, na naugnay noon kay Leviste.
Inilabas ni Leviste ang galit niya sa mga host ng Machong Chismisan sa pamamagitan ng kanyang Facebook post ngayong Huwebes, Oktubre 15, 2026.
Saad niya: “I rarely speak negatively about anyone on social media, but this is personal.
“Nung nabalitaan ko kanina na may isyu involving Kuya Josh tinanong ko kay Aira Lopez kung ano ang nangyari. She told me the story, and I couldn’t contain my anger!
"Nagpaalam ako (kay Aira) na ilalabas ko ang aking saloobin, at nagpapasalamat ako sa kanya dahil nauunawaan niya ako at iginagalang ang aking damdamin."
Si Aira Lopez, Sparkle artist at athlete, ang fiancé ni Leviste.
Ayon kay Leviste, personal niyang kilala si Josh at itinuturing niya itong parang sariling anak.
“I know #KuyaJosh personally. I love him like my own son, and my children love him like their own older brother.
"He is one of the kindest, sweetest, most prayerful, and loving people you will ever meet.
"Sinuman ang tunay na nakakakilala sa kanya ay mauunawaan kung bakit labis na nakasasakit sa aming mga nagmamahal sa kanya ang mga binitiwang salita tungkol sa kanya,” bahagi ng pahayag ni Leviste.
Read: Netizens call out Machong Chismisan podcast for mocking Kris Aquino’s son Josh
MARK LEVISTE ANGRY at those who insulted JOSH
Hindi napigilan ni Leviste na magmura habang ipinapahayag ang kanyang pagkondena sa mga host ng Machong Chismisan.
“To call him 'walang kwenta' and mock him publicly is absolutely unacceptable!
"T*ng*n*!!! Wala akong nakikitang ka-machohan at katawatawa sa mga inasal ng mga nang-insulto kay Kuya Josh!
“You may call yourselves comedians or podcasters, but freedom of expression does not exempt you from accountability!
"There’s a difference between making people laugh and turning someone into a laughingstock.
"When your foolish words and slapstick humor demean someone, especially because of his disability, you cross a line that should never be crossed!
“Ipagtatanggol ko si Kuya Josh, gaya ng pagtatanggol ko sa sarili kong mga anak! Hindi ako mananahimik kapag ang isang taong mahal ko ay tinatrato nang ganito!
"To the people responsible, take this fcuking seriously!! Do not mistake the gentleness of Kuya Josh for weakness."
APOLOGY IS NOT ENOUGH
Binigyang-diin din ni Leviste na hindi dapat ituring na simpleng biro ang mga komentong nakapipinsala sa dignidad ng ibang tao.
Para sa kanya, hindi sapat ang paghingi lamang ng paumanhin kung walang kasunod na pananagutan.
“And do not mistake the public’s outrage for something that will simply disappear once the issue dies down.
"An apology is only the beginning. Take full responsibility for what you said, apologize sincerely to Kuya Josh and his family, and demonstrate through your actions that you understand the harm you have caused.
"Siguraduhin nyo hindi na mauulit to!!"
Sa huling bahagi ng kanyang pahayag, tiniyak ni Leviste kay Josh na marami ang nagmamahal sa kanya at patuloy na tatayo sa kanyang panig.
“Kuya, you are loved. You are valued.
"And you will never have to face this world alone.
"Those of us who know your heart, and know you by heart will continue to stand by you.
"Mahal kita!”
Related Stories: