PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

NBI director orders probe into Josh Aquino mockery controversy

NBI Director Melvin Matibag stresses his duty to uphold justice.
by Jojo Gabinete
Published 13 hours ago
The Pod Network terminates contract with Machong Chismisan
National Bureau of Investigation Director Atty. Melvin Matibag has ordered an investigation into the Machong Chismisan hosts over their insulting remarks about Josh Aquino, according to Boy Abunda. The development follows public backlash, the hosts’ apologies, and The Pod Network’s termination of its contract with the podcast.
PHOTO/S: Screengrab on X

Sasampahan ng kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga host ng podcast na Machong Chismisan dahil sa pang-iinsulto at pangungutya nila kay Josh Aquino, ang 31-year-old na anak ni Kris Aquino.

Ito ang ibinalita ni Fast Talk with Boy Abunda host Boy Abunda sa kanyang programa nitong Huwebes ng hapon, Oktubre 15, 2026, matapos makatanggap ng mensahe mula kay NBI Director Atty. Melvin Matibag.

Ayon kay Boy, inatasan ni Matibag ang Cybercrime Division at Special Action Unit ng NBI na imbestigahan ang mga host ng kontrobersiyal na podcast at sampahan sila ng kaukulang kaso.

Lahad ng TV host: “Kaninang umaga, I received a text message mula kay NBI Director Melvin Matibag.

"Melvin told me na iuutos niya sa Cybercrime Division at Special Action Unit ng NBI ngayong araw na imbestigahan ang hosts ng podcast na Machong Chismisan at sampahan ang mga ito ng karampatang kaso na naaayon sa batas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ito ay kaugnay sa kanilang episode kung saan nilait at pinagtawanan ng mga host ang anak ni Kris na si Josh.

“Ayon kay Director Matibag, he was deeply moved and saddened noong napanood niya ang aking pahayag dito sa Fast Talk kahapon."

Pahayag ni Matibag: “As head of a law enforcement bureau, I cannot turn a blind eye to such acts.

"It is my legal and moral duty to uphold justice for Josh, his family, and all persons with special needs who deserve respect, dignity and compassion."

Read: Boy Abunda backs Kris Aquino if she sues podcast hosts over Josh

MACHONG CHISMISAN HOSTS MOCK JOSH AQUINO

Nagsimula ang kontrobersiya nang kumalat online ang isang video clip mula sa episode ng Machong Chismisan na may pamagat na “S29E20: Ang Pagbabalik ni Kris Aquino,” na in-upload noong Oktubre 5, 2026.

Sa naturang episode, pinag-usapan ng mga host ang pamilya ni Kris, kabilang ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang sa mga host ng kontrobersiyal na episode sina Makoy Pare, Tito P, Daniel Lawrence Vivar, RJ Carbonell, at Juan Paolo Mojica.

Umani ng matinding batikos ang mga komento tungkol kay Josh, na may autism spectrum disorder (ASD).

Isa sa mga pinuna ng netizens ang pagtawag sa kanya ni Tito P na “walang kuwenta,” kasabay ng iba pang mapanuyang pahayag tungkol sa kanyang kondisyon.

Dahil dito, maraming netizens ang nagpahayag ng pagkadismaya at iginiit na hindi dapat gawing katatawanan ang isang taong may kapansanan.

Read: Netizens slam Machong Chismisan podcast for mocking Josh Aquino

MACHONG CHISMISAN HOSTS APOLOGIZE

Kasunod ng matinding batikos, humingi ng paumanhin ang mga host na sina Tito P, Makoy Pare, at Lawrence Vivar kaugnay ng kanilang mga naging pahayag at paglahok sa kontrobersyal na episode.

Inako ni Tito P ang kanyang pagkakamali at kinilala ang epekto ng kanyang mga komento sa mga taong nasa autism spectrum at sa kanilang mga pamilya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Isiniwalat din niyang mayroon umano siyang attention-deficit/hyperactivity disorder (ADHD), bagamat nilinaw niyang hindi ito dahilan upang bigyang-katwiran ang kaniyang mga nasabi.

Humingi rin ng paumanhin si Lawrence sa kanyang paglahok sa usapan, kabilang ang pagtawa sa mga sandaling naging paksa ang mga taong may special needs.

Samantala, naglabas din ng pahayag ang Machong Chismisan sa pangunguna ni Makoy.

Inamin ng programa na may mga komentong naging insensitive at nakasakit ng damdamin, kaya tinanggal nila ang naturang episode sa kanilang mga online platform.

Nagpahayag din ng paghingi ng paumanhin ang programa sa mga taong nabanggit sa episode at sa persons with disabilities (PWD) community.

Read: Machong Chismisan podcast hosts apologize for mocking Josh Aquino

THE POD NETWORK TERMINATES MACHONG CHISMISAN CONTRACT

Naglabas din ng pahayag ang The Pod Network, ang network na nagdadala ng programa.

Seryoso raw nitong tinutugunan ang mga hinaing ng publiko tungkol sa paggalang at dignidad ng persons with disabilities at neurodivergent individuals.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Una nang sinabi ng network na tinanggal ang episode habang sinusuri ang insidente at nangakong magtatakda ng mas mahigpit na editorial guidelines para sa mga programa nito, lalo na sa pagtalakay sa mga sensitibong paksa.

Noong Oktubre 14, inanunsiyo rin ng The Pod Network ang agarang pagtatapos ng kontrata nito sa Machong Chismisan, kasunod ng kontrobersiya.

Sa kabila ng mga paghingi ng paumanhin, patuloy na umani ng reaksiyon ang insidente, lalo na mula sa mga naniniwalang kailangang panagutan ng mga content creator ang kanilang mga pahayag sa mga pampublikong plataporma.

Read: The Pod Network terminates contract with Machong Chismisan

BOY ABUNDA, MARK LEVISTE DEFEND JOSH AQUINO

Isnag araw bago ibinahagi ni Boy ang mensahe mula kay Matibag, nagpahayag na rin siya ng matinding pagkadismaya sa mga komento ng mga host tungkol kay Josh.

Ipinagtanggol ni Boy ang anak ni Kris at iginiit na hindi dapat sukatin ang halaga ng isang tao batay sa kanyang kondisyon o sa mga bagay na hindi niya kayang gawin.

Nagpahayag din ng suporta kay Josh si dating Batangas Vice-Governor Mark Leviste, na dating naugnay sa ina ni Josh na si Kris Aquino.

Iginiit na hindi sapat ang paghingi lamang ng paumanhin kung walang kasunod na tunay na pananagutan.

Sa ngayon, ang hakbang na inanunsiyo ni Matibag ay nagdadagdag ng legal na dimensiyon sa kontrobersiya.

Inaasahang iimbestigahan ng NBI ang insidente upang matukoy ang mga posibleng paglabag at ang kaukulang hakbang na maaaring gawin alinsunod sa batas.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag ang mga host tungkol sa planong pagsasampa ng kaso ng NBI.

Read: Mark Leviste: Apology not enough over Josh Aquino mockery

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
National Bureau of Investigation Director Atty. Melvin Matibag has ordered an investigation into the Machong Chismisan hosts over their insulting remarks about Josh Aquino, according to Boy Abunda. The development follows public backlash, the hosts’ apologies, and The Pod Network’s termination of its contract with the podcast.
PHOTO/S: Screengrab on X
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results