Nagpapasalamat sina Wilbert Ross at Bea Binene sa lahat ng mga tumangkilik sa Philippine adaptation ng blockbuster Thai film na Pee Mak, ang unang pelikula nila bilang loveteam na nagbukas sa mga sinehan noong Miyerkules, Oktubre 14, 2026.
Kasama ang kanilang co-stars na sina Vandolph Quizon, TJ Valderrama, at Jairus Aquino, pinuntahan nina Bea at Wilbert ang ilang sinehan sa unang araw ng pagtatanghal ng Pee Mak.

“Okay naman po ang theater tour na first time ko po at nag-enjoy ako nang husto.
"Sobrang saya ko nang makita ko ang mga tao na tuwang-tuwa sa movie namin ni Bea,” sabi ni Wilbert sa panayam sa kanya ng Cabinet Files.
Natatawa pa niyang kuwento, “Unforgettable sa theater tour namin nang sumigaw ako ng Peenang [pangalan ng karakter ni Bea sa Pee Mak] sa mall.”
Ipinararating din ni Wilbert ang kanyang taus-pusong pasasalamat sa lahat ng mga nanood at nagbabalak panoorin ang Pee Mak.
“Gusto ko lang pong pasalamatan ang lahat ng mga sumusuporta sa Pee Mak.
"Sana po ay ipalaganap natin ito. Honest review lang po ang aming nais,” sabi ni Wilbert tungkol sa pelikulang palabas sa kasalukuyan sa 200 cinemas nationwide.
Read: WilBea's Pee Mak projected to earn PHP5M on opening day
WILBERT ROSS COLLABORATION WITH GIAN BERNARDINO
Bukod sa pag-arte, napakinabangan ni Wilbert sa Pee Mak ang pagiging singer at songwriter niya dahil sa collaboration nila ni Gian Bernardino, ang lead vocalist ng Cup of Joe.
Ang Pee Mak ang katuparan ng pangarap ni Gian na maging aktor.
At nang magkasama sila ni Wilbert sa pelikula, naisip nilang isulat at kantahin ang “Handa Akong Subukan.”
Maririnig lamang sa Pee Mak ang awit na nilikha at kinanta nina Gian at Wilbert dahil hindi pa ito inilalabas sa mga major music platform.
Read: Arnold Clavio files cyber libel case over paper bag allegation