Magdiriwang ng kanyang 46th birthday ang American socialite at media personality na si Kim Kardashian sa Oktubre 21, 2026.
Pero maaga ang kanyang selebrasyon sa isang beach resort sa Pilipinas na hindi pinangalanan para na rin sa seguridad niya.
Kumpirmadong naririto sa Pilipinas si Kim dahil makikita sa kanyang Instagram page ang mga larawan at video ng pagbabakasyon niya sa ating bansa.
"Philippines Birthday Adventures," caption ni Kim sa mga larawan at video ng pagsisid sa karagatan na ibinahagi niya sa kanyang 343 million followers sa Instagram ngayong Biyernes, Oktubre 16.
Habang isinusulat ang artikulong ito, meron nang 802K likes, 8.3K comments, at 10.8K shares ang Instagram post ni Kim.
View this post on Instagram
Read: Klea Pineda plans to turn La Union property into a rental villa
KIM KARDASHIAN CELEBRATES BIRTHDAY IN THE PHILIPPINES
Ikinatuwa ng mga Pilipinong tagahanga ni Kim ang desisyon nitong ipagdiwang sa Pilipinas ang kanyang ika-46 kaarawan.
Hindi binanggit ni Kim ang lugar na kinaroroonan niya, pero marami ang naniniwalang nagbabakasyon sila ng kanyang mga kasama sa isang private beach resort sa Palawan.
“Spectacular!” ang reaksiyon ng ina ni Kim na si Kris Jenner sa mga litrato at video na ibinahagi ng kanyang anak.
Nagkomento rin sa IG posts ni Kim ang mga Filipino celebrity gaya nina Ruffa Gutierrez, KC Concepcion, at Anne Curtis na mga social media follower niya.
Nagpahayag sila ng galak sa pagbabakasyon ni Kim sa Pilipinas.
Read: Judy Ann Santos on son Lucho: “Para kang naka-jackpot prize!”