PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anthony Roquel, Iskul Bukol star Tonette Macho, dies at 68

Gina Marissa Tagasa remembers Iskul Bukol star Anthony Roquel.
by Jojo Gabinete
Published 7 hours ago
anthony roquel death
Anthony Roquel, the actor remembered for playing Tonette Macho in the classic sitcom Iskul Bukol, has died at 68. His niece, Ja Roquel-Areza, announced his passing on Friday, October 16, 2026.
PHOTO/S: Facebook

Pumanaw na sa edad na 68 ang aktor na si Anthony Roquel, mas kilala sa kanyang stage name na Tonette Macho sa classic sitcom na Iskul Bukol.

Kinumpirma ng kanyang pamangkin na si Ja Roquel-Areza ang pagpanaw ni Anthony ngayong Biyernes, Oktubre 16, 2026.

Ayon kay Ja, nakatakdang simulan ang burol ni Anthony sa Sabado, Oktubre 17, sa Loyola Memorial Chapels sa Dr. A. Santos Avenue, Sucat, Parañaque City.

Sa kanyang mensahe ng pamamaalam, inilarawan ni Ja ang kanyang tiyuhin bilang isang taong naging inspirasyon at sandigan ng maraming tao sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya at pagmamahal.

Saad niya: “With faith and love, we share that our dearest, Tito Anthony A. Roquel, has been called home to be with our Lord and Savior on October 16, 2026.

“A devoted warrior of Christ, a loving son, a dependable brother, a wonderful uncle, a best friend to most, a prayer partner to thousands, we take comfort in knowing he is now at rest in eternal peace and with no more pain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I have fought the good fight, I have finished the race, I have kept the faith.' (2 Timothy 4:7)

“A service of thanksgiving and remembrance will be held starting October 17, 2026 (Saturday) at Loyola Chapels, Dr A. Santos Ave, Sucat, Paranaque. Funeral details to follow. All are welcome to gather as we honor his faith and legacy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Comedian Arnell Tamayo dies at 61

ANTHONY ROQUEL AS TONETTE MACHO IN ISKUL BUKOL

Nakilala si Anthony sa pagganap bilang Tonette Macho sa Iskul Bukol, ang sitcom na nagsimulang umere sa IBC 13 noong Oktubre 1978.

Pinagbidahan ito ng comic trio na Tito, Vic & Joey.

Tampok sa serye sina Senator Tito Sotto at Joey de Leon bilang magkapatid na Escalera, habang ginampanan naman ni Vic Sotto ang karakter na si Vic Ungasis.

Mga estudyante sila ng Wanbol University, kung saan isa sa kanilang mga kaklase si Tonette Macho, na madalas na nakakatunggali ng magkapatid na Escalera.

iskul bukol cast
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ilan sa mga pelikulang kinabilangan ni Anthony ay Kuwatog, Darna at Ding, Tangga and Chos, Manay Po 2, at Iskul Bukol: 20 Years After.

Nang maging Born-Again Christian siya, ginamit na niya ang kanyang tunay na pangalan na Anthony Roquel.

Read: Erlinda Villalobos, 84, dies of pneumonia

GINA MARISSA TAGASA MOURNS THE PASSING OF ANTHONY ROQUEL

Isa sa mga nagdadalamhati sa pagpanaw ni Anthony ay ang award-winning writer na si Gina Marissa Tagasa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging malapit ang dalawa dahil sa matagal na pagkakaibigan ni Anthony sa ina ni Gina, ang yumaong aktres na si Mely Tagasa (Abril 16, 1935–Marso 24, 2018).

Gumanap si Mely bilang Miss Tapia, ang propesora ng Wanbol University sa Iskul Bukol. Nagsimula pa noong mga panahong iyon ang pagkakaibigan nina Mely at Anthony, na nagpatuloy hanggang sa kanilang paglilingkod sa Diyos.

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Gina ang lungkot sa pagkawala ng kaibigan, kasabay ng pasasalamat na natapos na ang paghihirap nito.

“Nagluluksa ang puso ko sa araw na ito dahil wala ka na. Pero masaya na rin at finally, umuwi ka na kay LORD dahil tapos na rin ang paghihirap mo. This is His will. It's done. Pwedeng umiyak?

“Masakit mamatayan ng tunay na kaibigan. Kahit ang tagal na nating hindi ulit nagkasama gaya nang dati, tuloy pa rin ang mga messages kahit maysakit ka. Hindi natin binitiwan ang mga tawanan, palitan ng masasayang ganap at mga bagay tungkol sa ating Faith at pagmamahal sa buhay at sa Diyos. Motto natin lagi noon: 'Ang buhay parang comedy lang. Tinatawanan hindi tinatawaran.'

“Tuwing may prayer requests ako, ang sipag mong magpadala ng uplifting messages and verses. Mamimiss ko yon kahit pati yung kababawang pagtatanong mo kung ano ang ulam namin o kung ano ang isusuot ko sa ganito o ganong awarding event, etc.

“Gusto mo lang iparamdam sa akin noon na andyan ka pa, lumalaban. Kahit nung dinalaw kita last month, ramdam kong lumalaban ka pa rin like a real Warrior. Salamat sa Friendship, Bâ...

“Iyakap mo na lang ako kay Mommy, ha. "Iskul Bukol" days pa lang, magkatandem na kayo as Miss Tapia at Tonette Macho hanggang pareho ninyong hinarap ang bagong buhay kay Lord . Minana ko pa ang magandang friendship ninyo . Ngayon, magkikita na ulit kayo sa langit.

“At least, hindi mo na mararanasan ang El Niño o daraanan pa ang maraming problema ng mga andito pa sa magulong mundo.

"Rest in Peace, my friend. Mahal na mahal kita, Anthony!”

Tinapos ni Gina ang kanyang mensahe sa hashtag na #cancersucks.

Read: Comedian Dax Martin II dies

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anthony Roquel, the actor remembered for playing Tonette Macho in the classic sitcom Iskul Bukol, has died at 68. His niece, Ja Roquel-Areza, announced his passing on Friday, October 16, 2026.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results