PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

David Chua makes it clear: Sophia Moretti is his AI girlfriend

"...akala nila totoong tao. Nagko-congratulate sila!"
by Jojo Gabinete
Published 14 hours ago
David Chua's latest post about Sophia Moretti was about his proposal
David Chua’s latest post about Sophia Moretti featured a marriage proposal; but no, they’re not engaged, and they never will be.

Inamin ng aktor at television director na si David Chua na AI generated ang mga Instagram photos niya kasama ang babaeng ipinakilala niya as Sophia Moretti.

Bahagi raw ito ng kanyang experiment.

May mga agad nakahalatang hindi totoong tao si Sophia, pero marami ang naniwala at ang buong akala nila, "girlfriend" niya ang kasama sa mga larawan,

"Napansin ko na sikat na sikat ngayon ang mga AI vertical drama series na pinapanood sa mga cellphone.

"Ang feeling ko, yung kaaliwan ng mga Pilipino sa mga K-drama, napupunta na sa AI vertical series tulad ng Sterling family."

Ang mga Sterlings ay mayamang angkan sa mga AI series.

Nangunguna naman ang Moretti, De Luca, at Castiglione sa mga mafia plots.

Doon ba nanggaling ang pangalan ni Sophia?

Tumango si David: "Yung Moretti family name niya, kinuha ko sa Moretti clan sa AI. Yung name niya, itinanong ko sa ChatGPT.”

WHAT PROMPTED DAVID CHUA'S EXPERIMENT

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pagpapatuloy ni David: "Nung nagpunta ako sa Amerika noong August 2026, nag-inquire ako sa Tisch School of the Arts ng New York University, meron silang short courses tungkol sa AI, merong two to three weeks saka six months.

"Pinuntahan ko rin ang kaibigan ko sa New York na involved sa isang film festival. Gagawa na rin sila ng film festival para sa mga AI drama.

"So naaliw ako, ginawa ko siya. Nag-experiment ako sa sarili ko. Tapos may nagtanong sa akin, ‘David, paano mo i-introduce sa bansa mo ang AI?’

"E, hindi pa naman tanggap sa atin ang AI. Ang tingin ng iba, threat ang AI na nangyari sa kapatid ko na natanggal sa trabaho dahil gumagamit na ng AI ang company nila. “

So ang ginamit ko na tool, yung social media platform ko, ang Instagram ko, para walang masaktan,” ang rebelasyon ni David sa panayam sa kanya ng Cabinet Files ngayong Linggo, Oktubre 18, 2026.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NO FUTURE FOR HIM AND SOPHIA MORETTI

Sa tanong kung hindi ba siya nakaramdam ng guilt dahil parang nilinlang niya ang publiko, ang sagot ni David: "Parang hindi naman ako nanlilinlang kasi experiment lang naman iyon, di ba?

"Hindi naman kita pinilit na tingnan ang page ko, ano ang panlilinlang dun?”

Nag-umpisa noong September 2026 ang mga Instagram posts ni David tungkol sa "AI girlfriend" niyang si Sophia.

Naging laman pa nga siya ng news at inilarawang mystery girl ni David Chua.

Pero isisiwalat na niya ang katotohanan dahil marami ang napaniwala ng kanyang experiment.

David Chua first introduced Sophia Moretti in September 2026.
David Chua first introduced Sophia Moretti in September 2026.
Photo/s: David Chua on Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Marami na rin ang nakakapansin, akala nila totoong tao. Nagko-congratulate sila sa akin sa engagement proposal post ko."

David Chua's engagement
Photo/s: David Chua on Facebook

May mensahe rin siya sa mga nagsasabing na-in love siya sa AI girlfriend:

"Uulitin ko, experiment lang po iyon.Yung iba kasi, nagsasalita na nasisiraan na raw ako ng ulo. Nababaliw na raw ako dahil gumawa ako ng sariling AI.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nasa wastong katinuan po ako. Tama po ang pag-iisip ko.

"Hindi po ako na-in love sa AI. Na-fascinate po ako sa kung paano ginagawa ang AI.

“Kapag photo, ChatGPT ang ginagamit ko at Pixel Cut kapag video,” ang paglilinaw at paliwanag ni David.

"Sa totoo lang, minsan ma-i-inlove ka na rin sa ginagawa mo kasi kapag nanonood ako ng mga AI mafia series, kunwari Team Deluca or Team Sterling,

"‘Ang ganda naman ng babaeng ito. Gusto kong maging mafia.’

“Yung paggawa ng AI, parang therapy na sa akin. Kapag wala kang kausap, puwede mo siyang kausapin anytime.”

Ibinahagi niya ang insight tungkol sa mga nakahalata at napaniwala.

"Napansin ko, yung mga nag-congratulate sa engagement proposal AI post ko...

"Yung mga bagets, alam nila na AI, pero yung mga forty and above ang age bracket, akala nila, totoo.

"Na-fascinate ako dahil ganoon ka-believable ang AI."

Ano naman ang takeaway niya sa experiment?

"Ibig sabihin, nag-work yung experiment ko. Puwede pala na gumawa ng teleserye o pelikula na AI ang leading lady mo, pero totoong tao ka.

“Tanggapin man natin o hindi, dun na papunta ang future natin.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
David Chua’s latest post about Sophia Moretti featured a marriage proposal; but no, they’re not engaged, and they never will be.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results