Magsasadya si Claudine Barretto sa tanggapan ng National Bureau of Investigation sa Martes, Oktubre 20, 2026, dahil sa reklamong cyberlibel na isasampa niya laban kay Cristy Fermin at sa Showbiz Now Na! co-host nitong si Rommel Villamor a.k.a. Rommel Chika.
Ipinarating ni Claudine ang kanyang planong pagpunta sa NBI sa GTV talk show na Kalurks.
Ang co-host na si DJ Jhai Ho ang nagbasa ng pahayag ni Claudine sa live telecast na napanood ngayong Linggo ng gabi, Oktubre 18.
Narito ang ilang bahagi: "Pinalagan ni Claudine ang mga sinabi ni Cristy na diumano, meron siyang bipolar disorder, na binubuhay siya ng kanyang kapatid na si Gretchen Barretto, at nagpa-ospital siya para magparetoke.
"Ayon kay Claudine ilang beses na siyang nakiusap kay Cristy na tantanan na siya, pero hindi pa rin tumitigil. Ito na raw ang kanyang last straw.
"She leaves me with no option. Hindi ko siya uurungan kahit na makiusap pa siya,” ang lahad ni DJ Jhai Ho tungkol sa plano ni Claudine.
LETTER FROM CLAUDINE BARRETTO'S LAWYER
Ipinakita sa show ang "Final Demand to Cease and Desist” letter na ipinadala kina Cristy at Rommel ng legal counsel ni Claudine, si Atty. Lance Abrahm Mateo ng Canero, Manalo, Mateo & Partners Law Office.
Nakasaad ditong isang YouTube video ang inalmahan ng aktres.
"A recent video in your YouTube profile was uploaded regarding our client with remarks that are untruthful, scandalous, and damaging to our client's reputation."
At ang letter na ipinadala kina Cristy at Rommel ay "formal and final notice of demand that you CEASE AND DESIST from further harassing our client, and making untruthful, scandalous, and damaging remarks regarding her."
Naka-highlight sa dulo, in all caps, ang "FOR YOUR IMMEDIATE COMPLIANCE.”
Narito ang kabuuan ng letter:


CRISTY FERMIN'S REACTION
Nakipag-ugnayan kay Cristy ang Cabinet Files nitong Linggo ng gabi para sa panig niya tungkol sa reklamong ihahain ni Claudine laban sa kanila ni Rommel.
"Sa anong dahilan naman daw? Subukan niya! Lahat na lang idedemanda niya? Dami niyang ginawang kalokohan na puwedeng lumabas kapag ginawa niya iyan.
“Okay, see her in court na lang. Kalokah siya!” ang reaksiyon ni Cristy.