“He’s my best friend,” ito ang sagot ni Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados nang tanungin tungkol sa balitang may relasyon sila ng aktor na si Gab Lagman.
“Si Gab Lagman pa rin ba? I like him for you,” tanong ni Boy Abunda kay Gazini.
Sagot niya: “Right now, with everything that’s going on with my life, I really appreciate him, with being supportive, with what I’m going through.
“Right now, I’m just not really focusing on relationships but he’s my best friend. He’s one call away.”

Sina Gazini, Miss Philippines Earth 2023 Yllana Aduana, at Miss Universe Philippines 2026 Ahtisa Manalo ang mga bisita sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Lunes, Oktubre 19, 2026.
Nag-promote sila ng Red Crown, ang pelikulang pinagbibidahan nila at mapapanood sa mga sinehan simula sa Oktubre 28, 2026.

Read: Gab Lagman breaks silence on rumored romance with Gazini Ganados
YLLANA ADUANA ON JEFF MOSES
Gaya ni Gazini, hindi nakaligtas si Yllana sa tanong tungkol sa kanyang personal na buhay dahil kinumusta sa kanya ang nakaraan nila ng Kapuso actor na si Jeff Moses.
“One phone call away ba in the past si Jeff Moses?” tanong ni Boy kay Yllana.
Paiwas na sagot ng beauty queen, “Ang masasabi ko lang, meron pala talagang times na si God na yung nagtatanggal ng tao to make way for brand new opportunities.”
Hirit ni Boy, “Talagang you talk about God and I am talking about Moses.”

AHTISA MANALO ON BEA WINDORSKI
Naniniwala naman si Ahtisa na ang kanyang successor na si Bea Millan-Windorski ang susunod na Miss Universe mula sa Pilipinas.
Isinalin ni Ahtisa kay Bea ang Miss Universe Philippines crown noong Mayo 2, 2026.
Ayon sa kanya, malaki ang tsansa ng kinatawan ng Pilipinas na manalo sa 75th Miss Universe na magaganap sa Jose Migue Agrelot Coliseum, San Juan, Puerto Rico, sa Nobyembre 24, 2026.

Read: Ahtisa Manalo on acting debut: “Whole different challenge.”