Popular ngayon sa social media ang salitang “esmeringhoy.”
Hindi sinasadyang pinasikat ito ni Evelyn Batuigas, ang misis na lumapit at humingi ng tulong sa public service program na Wanted sa Radyo ng One Ph noong nakaraang linggo para ireklamo ang kanyang asawang si Ronald Batuigas,
Inakusahan ni Evelyn si Ronald ng pakikipagrelasyon sa ibang babae.
Walang kamalay-malay si Evelyn na nakuha nito ang atensiyon ng publiko at nagkaroon ng mga meme dahil sa pahayag niya sa programa na ayaw ni Ronald na makipag-"esmeringhoy" sa kanya.

“Hindi raw siya puwedeng uminom, hindi daw siya puwedeng ma-stress kasi ipinagbawal daw ng doktor. Hindi daw siya puwedeng mag-esmeringhoy…” sabi ni Evelyn.
Naunawaan lamang ng mga host ng programa ang kahulugan ng "esmeringhoy" sa paliwanag ni Evelyn.
Saad niya: "Yung magb*mb*ng*n ba kasi mamamatay daw siya kapag napagod.”
Tanging ang mga Pinoy na may kaalaman sa mga salitang Bisaya ang mabilis na nakaintindi sa sinabi ni Evelyn na "esmeringhoy," isang balbal na lengguwahe sa Kabisayaan na ginagamit sa mga nakakatawang paraan o sekswal na usapin.
Naaliw at pinagtatawanan ng karamihan sa mga nakapanood at patuloy na nanonood sa panayam kay Evelyn dahil sa maraming beses na pagbanggit nito sa "esmeringhoy."
Read: Child actor Angelo Teves in ICU after being stabbed eight times; brother Matthew calls for justice
LAST "ESMERINGHOY" BEFORE BREAKUP
Pero makikita sa hitsura at mararamdaman sa kanyang boses ang sakit ng kalooban, lalo na nang ilahad niya ang pagtanggi ni Ronald na mag-"esmeringhoy" sila sa huling pagkakataon, bago sila maghiwalay.
Lahad ni Evelyn: “Sinuyo-suyo ko pa siya, nilambing-lambing ko siya.
"Sabi ko, 'Bago tayo maghiwalay, mag-esmeringhoy muna tayo para last na lang na ano…'
"Ayaw niya, Ma’am. Ilang siya. Mamamatay daw siya kapag nakipag-esmeringhoy.
"Yun ang sabi niya sa akin, mamamatay daw siya.”
Desidido si Evelyn na ipakulong si Ronald dahil sa mga kasalanan nito sa kanya.
Kumplikado ang usapin dahil ang dating karelasyon ni Ronald ang inirereklamo ng kanyang asawa.
May anak si Ronald at ang babaeng kanyang nakarelasyon bago pa niya nakilala at pinakasalan si Evelyn.
Lalong nasaktan si Evelyn at tila malabo nang magkabalikan sila ni Ronald dahil sa deklarasyon nitong wala nang pagmamahal at respeto sa kanya.
Read: Baby Dolls’ Juby, Vice Ganda criticized over Donny Pangilinan dream story